๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก, ๐ฃ๐๐๐๐๐ก๐๐๐จ๐ฅ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก! ๐ฆ๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก!
Sumali sa pinakamalawak at pinakakomprehensibong pangmasang organisasyon sa UPLB! Makibaka kasama ang malawak na hanay ng masang Pilipino!
#AnakbayanUPLB#JoinNDMOs
Walang makapipigil sa pagrampa ng sangkabaklaan sa mga lansangan para patuloy na ipaglaban ang kanilang mga demokratikong karapatan. Dahil hangga't nananatili ang naghaharing-uri sa kanilang pwesto, hindi tunay na makakalaya ang mga mamamayan.
Malinaw na pabulok na ang sistemang pinanatili ng Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata-kapitalismo, kaya nararapat lamang na tanganin ng bawat isa ang pulang landas ng paglaban tungo sa isang lipunang ang bawat isa ay may kalayaan sa pagpapahayag ng kaniyang pagmamahal.
PULA ANG UNANG KULAY NG BAHAGHARI! โค๏ธ
Sa isang malapyudal at malakolonyal na sistemang nananaig ang macho-pyudal na kaayusan, ang pagmamahal ay pag-aklas mula sa kulturang mapanamantala at mapang-api!
Ang senado ay tila naging sirkus sa dami ng drama na pinangungunahan ni Senate President Alan Peter Cayetano at mga kasapakat nito, matatandaan na sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay nakatakas si Bato Dela Rosa sa kaniyang kinakaharap na kasong "Crimes Against Humanity."
Matibay na pinaninindigan ng ANAKBAYAN-UPLB ang panawagang hustisya para sa mga biktima ng AFP-PNP.
Makatarungang itaguyod ang CARHRIHL at kondenahin ang hindi makataong pagtrato ng militar sa mga sibilyan at mamamayan.
Sagad-sagad ang pasismo ng estado. Patunay rito ang pagpaslang ng 79th IB sa 9 na sibilyan sa Negros noong Abril 19, 2026.
Kabilang sa mga biktima sina mamamahayag, lider-estudyante, aktibista, organisador ng manggagawa, at kabataang magsasaka.
Makikita ang pagtanggap ng mamamayan ng Toboso sa armadong paglaban sa kanilang pagpupugay sa mga nabuwal sa di-makataong pag-atake ng militar noong Abril 19.
Patuloy ang pagkundena ng mamamayan sa pasistang estado.