BANTAY NA BANTAY ANG MGA MINGMING 😂
Ang apat na pusang sina Pon Pon, Tabby, Gingerboy at Punch, talagang alerto kapag oras na ng kainan. Kaya naman kinaaliwan sila ng netizens habang tahimik na nakamasid sa kanilang Mommy Ana na kumakain ng longganisa.
Sa video ng YouScooper Kabahay Vlog, makikitang magkakatabi ang mga pusa at tila naghihintay lang ng chance para makakuha ng longganisa. Ayon kay Ana, ganito talaga ang kaniyang fur babies at mahilig daw ang mga itong mag-abang kapag nakikitang kumakain na sila.
Ganito rin ba ang mga pusa ninyo? #YouScoop
Courtesy: YouScooper Kabahay Vlog