Walang pagbabago kung ang mga nakaupo’y takot sa pagbabago.
Kaya’t kabataan, ipaglaban ang pambansang soberanya at kapakanan ng sambayanan, tutulan ang Charter Change!
#NoToChaCha#BulSUONE#BulSU#CharterChange
Hindi kailanman natin makakamit ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pagrerebisa’t - pag-aamyenda ng konstitusyon, ang kailangan natin ay mga lingkod-bayan na hindi korap, hindi TraPo, humaharap sa mga tao, at lumulubog sa danas ng komunidad.
Sina Rodriguez, Abante, at Villafuerte na siyang tuta ng administrasyon ay sumusulong upang mas pahabain lamang ang kanilang pananatili sa kapangyarihan at paburan ang mga may kapangyarihan sa pamahalaan.
Mula sa pagpapapakalat ng People’s Initiative Signature na ibinabalandra na para sana sa ayuda hanggang sa milyun-milyong paggastos sa mga Television Advertisement upang isulong ang “EDSA-pwera” agenda, determinado na silang palitan ang saligang batas na dumaan sa 6 na admin.
PAG-ASA NG BAYAN SAY #NOTOCHACHA!!
Sa dinami-dami ng problemang kinakaharap ng bansa, muli na namang binuksan ng mga alagad ni Marcos ang usapin ng Charter Change–mula noon hanggang ngayon, tutol tayo!
#NoToChaCha#BulSUONE#BulSU#CharterChange
PAANO UUNLAD ANG BANSA KUNG ANG ITINALAGA AY WALANG KWENTA?
Tila pinasok ng masamang hangin ang utak ni PBBM habang nakatihaya sa Malacañang at bigla na lamang itinalaga ang Suspended Lawyer na si Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Mariing kinukundena ng progresibong organisasyon na BulSUONE ang hindi nakauunlad na desisyon na ito ng Pangulo. Sampal ito sa mga taong inalipusta, kinutya, at binatuhan ng masasakit na salita ni Gadon—hindi kailanman mabibigyan ng hustisya ang pagtapak sa kanilang pagkatao.
WALANG PUWANG ANG MGA TRAPO SA PAMANTASAN!
Sa pagsasara ng telon ng taong pampanuruan 2022 - 2023, ay ang siyang pag-ariba ng mga mapang-ganid na mga politiko sa ating pamantasan.
#RejectVillarMarcos#BulSUAdminDoBetter
Bilang isang progresibong organisasyon, kami ay naniniwala na ang dapat na tagapagsalita ay hindi makasarili, mapang-abuso, oportunista, at dapat sumasagot at tumutugon sa ugat na problema.
#RejectVillarMarcos#BulSUAdminDoBetter
[PABATID]
Ipinapabatid ng aming alyansa na tayo ay
magkakaroon ng Campaign Hiatus na itinakda ng
University Commission on Student Elections, mula ika- 6 hanggang ika-9 ng Abril 2023. Ito’y upang bigyang daan ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Kaugnay nito, nais ipaalam ng BulSUONE na ano mang uri ng pangangampanya sa nasabing petsa ay hindi nanggaling, nanggagaling, at manggagaling sa aming partido.
Iginagalang at susundin natin ang ano mang patakarang ibinaba ng UCSE patungkol sa Student Government Elections 2023.3
Presidente Ariann De Jesus (CAL)
Bise Presidente Jerson Robles (CS)
Sen Thea Trinidad (CCJE)
Sen Dang De Jesus (CHTM)
Sen Ervin Arellano (COED)
Sen Marvs Sambilay (CSSP)
Sen Migs Salamat (COE)
Sen Aly Marcelo (CS)
#KabilangKa#AryaNa#AriannaJerson2023
KABILANG KA, BulSUan — sa buhay at tagumpay ng ating nagawa nang pagsulong at pagtindig sa nakalipas na mga taon. Sinubok man tayo ng panahon, narito tayo muli, kapit-bisig at nagkakaisang iniimbitahan ang bawat BulSUan at ang sambayanan! #AryaNa#KabilangKa
Ngayong taon, bitbit ang nag-aalab na puso upang manilbihan sa pamantasan at bayan, ibabalik at palakasin pa natin sa ating pagkilos ang serbisyo na tutugon sa kapakanan ng bawat estudyante at ng bawat mamamayan, kabilang sina: