Isang nakakaantig na tagpo ang nasaksihan ng mga residente sa Pasay City.
Sa gitna kasi ng sunog, isinugal ng mga fire and rescue volunteer ang kanilang buhay para mailigtas ang isang na-trap na aso.
Ang kwento sa kung paano nailigtas ang kawawang aso, panoorin sa video!
EXCLUSIVE: Sa CCTV footage na eksklusibong nakuha ng GMA News, makikita ang Grade 8 student nitong August 18, habang naglalakad na may backpack sa likod at may hawak na pahabang itim na bag.
Pero imbes na pumunta sa main entrance ng Junior High School building kung saan may guwardiya, dumaan siya sa emergency exit na may ramp na para sa PWDs.
Posible raw na nasa itim na bag ang armas na galing sa sasakyan ng kaniyang ama, na naghatid sa kaniya sa eskuwelahan.
Ilang minuto matapos ang kuha na ito, naganap na ang malagim na pamamaril sa ikaapat na palapag sa Ateneo de Zamboanga University Junior High school building. | via John Consulta/GMA News
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa updates.
ESTUDYANTE SA RIZAL, NATUMBA NANG SUUNGIN ANG RUMARAGASANG BAHA
Natumba ang isang estudyante mula sa San Mateo, Rizal nang suungin ang rumaragasang baha mula sa bundok pasado 12 PM kahapon, August 17, 2026.
Ayon kay YouScooper Joseph Natividad, naging mahirap para sa mga estudyante ang pag-uwi dahil sa malakas na ulan at rumaragasang tubig mula sa bundok.
Isang estudyante naman ang binalot na ng kaniyang uniporme ang mga gamit. Ngunit nang subukan niyang tulungan ang kaniyang kasama na bumagsak dahil sa malakas na agos ng tubig, inanod naman ang kaniyang mga gamit. Agad niya itong hinabol pababa.
Nakuha rin ng estudyante ang kaniyang mga gamit kalaunan. Sa ngayon, humina na raw ang agos ng tubig sa lugar. #YouScoop
Courtesy: YouScooper Joseph Natividad
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa updates.