Sa pagsapit ng eleksyon, mahalaga na higit nating makilala ang mga bagong mukha na titindig para sa ating mga karapatan.
Samahan niyo kami mamayang 9:00pm para sa isang gabi ng makabuluhang kumustahan at diskusyon kasama ang ating mga lider-kabataan na maninidigan -
para sa bawat Pirata.
Kilalanin nating mabuti ang CITHM Kalayaan Line-up habang kanilang mas ipinapaliwanag ang kanilang mga platapoma, dito sa Gabi ng Pagtindig: Kabataang Boses ng Lumalabang Lycean. ๐๐
Kitakits, ka-CITHM!
Kilalanin pa natin ang mga lider-kabataan ng CITHM KALAYAAN na handa ng magsilbi para sa susunod na CITHM Student Government.
Alamin natin ang kanilang kakayanan at karanasan:
https://t.co/iosNgelUDs
Alamin natin ang kanilang Platform of Governance:
https://t.co/04edL5oDKR
Bilang mga kabataan, ito ang panahon kung kailan dumadaan tayo sa mas maraming suliranin. Tinatawagan upang mas maging matatag at patuloy na tumindig sa kabila ng mga balakid sa dumating sa ating buhay.
Isa sa mga pinagmumulan ng lakas ng loob ng ating mga lider-kabataan ay ang mga taong nakasama at nakasalamuha nila sa loob ng ating paaralan. Sila ang naging saksi sa pagtindig ng bawat kandidato sa hanay ng CITHM Kalayaan.
Ang mga kapwa nila Lycean na naging bahagi ng kanilang mga karanasan, ngayo'y naninidigan na sila ang karapatdapat na iboto sa paparating na halalan.
Kinakitaan ng kabutihan at potensyal na makapag hatid ng dekalidad na serbisyo sa pamamagitan ng dati'y maliliit na aksiyon,
COMPETENCY. EXPERIENCE. EXCELLENCE.
Halina't kilalanin ang mga lider-kabataan na titindig para sa CITHM Student Government. Kilalanin natin ang kanilang mga nagawa, ginagawa, at sama-sama nating alamin ang kanilang kakayanan na tayo ay pamunuan.