Lake Ontario, Canada π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦π¨π¦#LakeOntario#CanadianWater
Ilang buwan na tayong nakakaranas ng sunod-sunod na ulan. Baha dito, baha doon. π§οΈππ
Maraming tahanan ang nalubog, maraming kabuhayan ang nawala, at marami ring imprastraktura na pinondohan ng bilyon-bilyong piso mula sa pera ng taumbayan ang nasira o hindi nakayanan ang mga ganitong sakuna.
Yes, pera NATIN. Bilang mamamayang Pilipino, nagbabayad tayo ng TAX. Kaya may karapatan tayong magtanong: Saan napupunta ang pera ng bayan? Nasaan ang maayos na paghahanda? Nasaan ang mga proyektong dapat sana ay nagpoprotekta sa atin?
Natural ang malakas na ulan at bagyo sa Pilipinas, pero hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na pagdurusa ng mga Pilipino dahil sa kakulangan sa paghahanda, maayos na imprastraktura at responsableng pamamahala.
Minsan pakiramdam ko, ang Diyos at ang kalikasan na mismo ang nagpapaalala sa atin na may mga bagay tayong kailangang makita, tanungin at baguhin.
Do we really deserve this? Papalampasin na lang ba natin ulit?
Mga kababayan, sana huwag nating kalimutan ang mga nangyayari ngayon kapag humupa na ang baha at tumigil na ang ulan. Huwag nating kalimutan ang mga pamilyang inanod ang bahay, ang mga nawalan ng kabuhayan, at ang mga Pilipinong kailangang magsimulang muli mula sa wala.
Nakakalungkot at nakakadurog ng puso. π
Sa ganitong panahon, ang gobyerno dapat ang unang kumikilos, ang unang tumutulong, at ang unang nananagot. Public service is a responsibility, not a privilege.
Sana habang may mga kababayan tayong walang matulugan, walang makain at hindi alam kung paano magsisimula ulit, maalala ng mga nasa kapangyarihan kung sino ang tunay nilang pinaglilingkuran.
ANG TAUMBAYAN.
At tayong mga Pilipino, magtanong tayo. Maging mapanuri tayo. Maningil tayo ng maayos na serbisyo at pananagutan.
Dahil pera natin ito. Bayan natin ito. Kinabukasan natin ito. Huwag nating kalimutan. π΅πππ»
Paulo Avelino did another hard launch raising his hand when Kim asked the crowd if someone came to the show with their loved one #KimPauUniverse#KimPau#KimPauCanada