Sorry,
Hindi ko kayang pasalamatan ka kung personal mong desisyon na huwag kang kumuha ng sweldo.
Ano ka, hilo?
Sobrang entitled lang na parang utang na loob pa ng bayan na “nagsakripisyo” ka dahil hindi ka raw susweldo.
Hindi kaya na-advance mo na, kasama na ang retirement, at may sobra pa?
Hiniya mo naman lahat ng auditor ng PDAF at imbestigador ng Ombudsman sa sinasabi mong prinsipyo na handa mong panindigan.
Nakikiusap lang ako: matagal ka nang wala sa pinilakang tabing. Hindi bagay ang acting!
How convenient it is for some people to use me or what I went through as an example whenever it serves their purpose or agenda. Kahit fake news, kahit ibang-iba ang totoong nangyari at naging sitwasyon ko noon, ipipilit pa rin para lang umakma sa naratibo nila.
Nung una, ang sinabi, hindi raw ako nagpa-aresto sa Senate premises. Maliwanag na kasinungalingan yan dahil sa Senado ako mapayapang humarap at nagpa-aresto sa mga awtoridad. Hindi ako nagpakanlong sa Senado, hindi ako nagdulot ng gulo, hindi ako tumakas, at lalong hindi ko inilagay sa peligro ang buhay ng maraming tao.
Now, they cite the resolutions filed by my fellow Senators during my unjust incarceration to allow me to participate in committee hearings and plenary deliberations via teleconferencing. Those were never approved. Kahit nga may COVID-19 pandemic noon kung kailan na-amend na ang rules to allow teleconferencing, di pa rin ako pinayagan. More importantly, no railroading or shortcuts to amend the Senate rules were resorted to in order to accommodate that request which, I repeat, was never granted. Malinaw yan kaya tigil-tigilan nila ang pagkukumpara.
Mahiya at kilabutan naman ang mga nagsasabing magkapareho lang ang pinagdaanan ko sa sinuman na gusto nilang pagbigyan ngayon.