Vice President @indaysara swept every presidential scenario tested by Pulse Asia, emerging as the strongest early contender for the May 2028 elections despite facing an impeachment trial.
Duterte drew 49% in the main six-candidate race, nearly doubling former vice president and Naga City Mayor @lenirobredo’s 26%. Senator @IdolRaffyTulfo followed with 14%, while the other possible candidates received 1% or less. Her support rose further as the field narrowed, reaching 51%, 56%, and 57% across three-way matchups.
She also dominated both head-to-head contests. Duterte defeated Robredo, 52% to 39%, and Senator @risahontiveros, 60% to 21%. Her strongest base remained Mindanao, where 87% chose her in the main field, followed by the Visayas at 53%.
Pulse Asia interviewed 2,400 adults nationwide from June 28 to July 3 and July 6. The survey carried a ±2% national margin of error and found that 89% of Filipinos were already interested in the 2028 race.
“KUNG SAKA-SAKALI PONG ITULOY NILA ANG PAG-ARESTO SA AKIN, AKO PO AY SASAMA SA KANILA PEACEFULLY.”
Iginiit ni Senador Rodante Marcoleta na hindi siya lalaban o manlalaban sakaling arestuhin kaugnay ng mga reklamong plunder at indirect bribery na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng campaign funds mula kina dating Quezon City Rep. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Sa panayam sa Sa Ganang Mamamayan ng Net 25, sinabi ni Marcoleta na nakarating na sa kanya ang impormasyon tungkol sa umano’y nalalapit na pag-aresto.
“Nabalitaan ko na. Nabalitaan ko na, kaya nga ako nagpapahayag ngayon. Kung saka-sakali pong ituloy nila ang pag-aresto sa akin, ako po ay sasama sa kanila peacefully. Ibig sabihin, I will not resist. Sapagkat tungkulin po yun ng arresting officer. Alam ko naman po yung tuntunin kung paano ka aarestuhin. Eh talagang ganyan.”
Ayon sa senador, handa niyang harapin ang anumang aksyon ng mga awtoridad dahil naniniwala siyang wala siyang nilabag na batas.
“Ako naman ay dahil sa ginawa kong pakikipaglaban tungkol sa katwiran at sa umiiral na batas, kung ito ang magiging kabayaran ng pagtatanggol ko sa ating bansa, sa ating mga kababayan, eh nasa kanila po yun. Wala akong alam na aking nilabag na batas. Yung pong kanilang mga asunto ay puro imbento yun.”
Mariin din niyang itinanggi na may kinalaman siya sa anumang paglustay ng pondo ng gobyerno at iginiit na ang kaso ay may kaugnayan umano sa kanyang pagpupursige sa mga pagdinig hinggil sa kontrobersyal na flood control projects.
“Pero ako, imbento lang. Walang kaugnayan po sa public funds. Wala po akong ninakaw. Ang tanging kasalanan ko lang po sa kanila, sa kanila, hindi sa taong bayan, ay yung pilitin ko po na ituloy ang pagdinig dyan sa flood control projects anomaly na yan.”
Binigyang-diin din ni Marcoleta na ang mga pondong ibinigay sa kanya ay mula umano sa mga pribadong indibidwal at hindi mula sa kaban ng bayan, kaya aniya’y hindi niya maunawaan kung paano ito naging batayan ng reklamong plunder.
“So, yun ang kinakapit nila, pribadong pera na itinulong sa akin, paano naging public, paano naging plunder yun? Eh, kahit mga taong karaniwan na hindi naman mga abogado, nagtataka ika, paano po kayo nadawit sa pagnanakaw ng pera ng bayan? Eh ewan ko kako sa kanila pero mag-iimbento sila ng kahit anong iaakusa sa akin para lang maaresto nila ako at matigil na nang tuluyan yung pagdinig sa Blue Ribbon.”
Nauna nang naghain si Senador Marcoleta ng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman kung saan “vehemently and categorically” niyang itinanggi ang mga alegasyong bumubuo sa mga inirekomendang kasong kriminal laban sa kanya.
Patuloy namang iginiit ng senador na walang batayan ang mga reklamo at bahagi lamang umano ang mga ito ng pagtatangkang patahimikin siya at pigilan ang mga pagdinig na kanyang isinusulong sa Senado.
BAGSAK NA PUD?
BBM's net satisfaction rating has fallen to its lowest level, according to the March 2026 survey conducted by the Social Weather Stations (SWS).
Based on the survey, 32% of Filipinos said they were satisfied with the government's performance, while 46% were dissatisfied and 21% were undecided.
As a result, the administration posted a net satisfaction rating of -13, which SWS classifies as "POOR."
TULOY ANG TRABAHO, KASI WALA NAMANG THREAT
Ibinahagi ni Sen. Loren Legarda na nanatiling abala sa trabaho ang kanyang tanggapan kahit walang pasok sa Senado ngayong Huwebes, Hunyo 11.
(1/2)
CONG. UNGAB, TINUKOY ANG SOCIAL MEDIA REACTIONS BILANG SENYALES NG PAGKADISMAYA NG PUBLIKO
Nagbigay ng reaksiyon si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab matapos mapansin umano ang dami ng “haha” at “angry” reactions sa ilang social media posts na may kaugnayan sa mga personalidad at isyung iniuugnay sa administrasyon.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Cong. Ungab na tila may kapansin-pansing pattern sa mga reaksyon ng netizens sa mga balitang may kinalaman sa mga kasalukuyang kontrobersiya sa Senado at pambansang pulitika.
Aniya:
“Napansin ninyo ba?”
“Sa tuwing may press release ang ilang personalidad na kaalyado ng administrasyon, hindi respetong komento ang sumasalubong sa kanila kundi buhos ng ‘haha’ at ‘angry’ reactions.”
“Hindi na ito kayang takpan ng bayad na survey o magarbong spin. Sa bawat emoji na panunuya at galit, malinaw ang mensahe: hindi na naniniwala ang taumbayan, kaya kahihiyan at pagkamuhi na lang ang ibinabalik sa kanila.”
Kalakip ng kanyang post ang iba’t ibang screenshots ng mga balita at social media posts mula sa mga pangunahing news organizations. Kabilang dito ang ulat tungkol sa pahayag ni Senador Ping Lacson na umano’y umabot na sa battalion at regional levels ang pagkadismaya sa armed services, ang pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng security threat sa Senado, ang panawagan ni Fr. Flavie Villanueva para sa pagkakaisa.
Makikita sa mga screenshots na ibinahagi ni Cong. Ungab ang malaking bilang ng “haha” reactions kumpara sa iba pang emosyon sa ilang mga post na kanyang ipinakita bilang halimbawa.
Ang pahayag ni Ungab ay lumabas sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Senado kaugnay ng usapin sa liderato, mga pagdinig sa flood control investigation, at ang kontrobersya sa umano’y security threat na naging dahilan ng pagpapatupad ng work-from-home arrangement sa Senado.
Sa ngayon, wala namang partikular na personalidad na direktang pinangalanan si Cong. Ungab sa kanyang post. Gayunman, ipinahiwatig niya na ang mga nakikita niyang reaksyon sa social media ay sumasalamin umano sa lumalawak na pagkadismaya ng mga mamamayan sa ilang personalidad na kaalyado ng administrasyon.
KORAPSYON SA GOBYERNO
Binigyang-diin ni dating Sen. Nikki Coseteng na ang talamak na korapsyon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno gaya ng isyu sa flood control ng Department of Public Works and Higways (DPWH) ang tunay na banta sa seguridad at kinabukasan ng Pilipinas.
(1/2)