PANOORIN: Sa drone footage ng Aurora MDRRMO, makikita ang pag-ahon sa mga katawan nina Rene Baterbonia at Divine Adili, mga manlalaro ng Ateneo Men's Basketball Team na nasawi matapos malunod sa dagat sa Dipaculao, Aurora habang nasa isang “team-building” activity.
Makikita rin sa footage na walang anumang pabigat o “weights” na nakakabit sa mga nasawing manlalaro, taliwas sa mga kumakalat na ulat. Nauna nang pinabulaanan ng Aurora Provincial Police Office ang naturang impormasyon batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga rumespondeng MDRRMO personnel at mga lifeguard ng resort.
Ayon sa pulisya, wala silang nakitang indikasyon ng foul play sa insidente. Wala rin anilang nakitang mga pasa sa katawan ng mga biktima nang maiahon sila mula sa dagat.
Gayunman, sinabi ng ina ni Baterbonia na nakapansin siya ng mga pasa sa bandang leeg, likod, kamay, at paa ng kaniyang anak nang personal niyang makita ang mga labi nito.
Batay sa certificate of postmortem examination na hawak ng pulisya, “asphyxia by drowning” ang sanhi ng pagkamatay ni Baterbonia, habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa mga labi ni Adili.
Video courtesy: Aurora MDRRMO via Mariz Umali/GMA News
PANOORIN ANG BUONG ULAT: https://t.co/H6JQid2wtK
Literal na karton ang ceiling ng bahay nila Rene Baterbonia 😭
Nakikipagsapalaran sa Manila para maiahon ang pamilya sa kahirapan tapos isang iglap lang biglang nawala 🕊️
Nakakadurog ng puso 💔