KAPAG INIPIT PA ULI, LIPAT SA FREEDOM PARK SA MALACAÑANG?
Ito ang naging pahayag ni retired Major General Romeo V. Poquiz kasunod ng paglipat ng ikatlong araw ng kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio matapos bawiin ang permit para sa White Plains sa Quezon City.
Ayon kay Poquiz, hindi na kailangan ng permit sa Liwasang Bonifacio dahil isa itong Freedom Park, at sinabi niyang maaari pang ilipat ang pagtitipon kung muli umanong magkakaroon ng hadlang.
Aniya:
“Ginipit at inipit, kinansel ang permit, kaya lumipat sa Liwasan—isang Freedom Park na hindi kailangan ang permit. Pag inipit pa uli, lipat sa Freedom Park sa Malacañang.”
Ang pahayag ay inilabas habang nagpapatuloy ang paghahanda para sa Day 3 ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio, na naging bagong venue matapos bawiin ng Quezon City ang naunang permit para sa White Plains.
“‘IPAGPATULOY NIYO ’YAN’”
Ito umano ang naging mensahe ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagsuporta sa kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC), ayon sa ibinahagi ng kanyang anak na si Kitty Duterte matapos siyang bisitahin sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Kitty, hinikayat umano ng dating pangulo ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang pagkilos.
“Sa mga Pilipino, ipagpatuloy niyo ’yan.”
Dagdag pa niya, ibinahagi rin umano ni FPRRD ang kanyang pananaw sa sitwasyon sa bansa.
“Sa abuso nila sa atin, darating ’yung panahon na mapupuno talaga ’yung Pilipino.”
Ang pahayag ay inilabas kasabay ng ikatlong araw ng kilos-protesta ng INC, na inilipat sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
“HANGA AKO SA PANININDIGAN NI JINGGOY HANGGANG HULI”
Ito ang pahayag ni dating COA/COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon kasunod ng mga pinakabagong kaganapan sa Senado na nagresulta sa pagpapalit ng liderato ng kapulungan.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Guanzon na hindi niya inasahang darating ang panahon na hahangaan niya ang naging paninindigan ni Estrada sa gitna ng mga pangyayari.
“Not in my lifetime at sa natitira ko pang buhay na hahanga ako sa paninindigan ni Jinggoy hanggang huli.”
Ayon kay Guanzon, madali sanang piliin ni Estrada ang mas maginhawang landas upang maiwasan ang mga problemang kanyang kinakaharap ngayon, ngunit nanatili umano itong tapat sa kanyang paniniwala at mga kaalyado.
“Na napakadali sa kanya na maunang bumaliktad para di napunta sa sitwasyon niya ngayon.”
Lumabas ang pahayag matapos mabuo ang 13 senador na kinakailangan upang mahalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President, na nagmarka ng pagtatapos ng pamumuno ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Si Estrada ay kabilang sa mga senador na nanatiling kaalyado ng kampo ni Cayetano hanggang sa huli. Sa kanyang mensahe ng pasasalamat matapos bumaba sa puwesto, partikular ding kinilala ni Cayetano ang naging sakripisyo ni Estrada at ng kanyang pamilya sa gitna ng sigalot sa Senado.
Patuloy namang nagiging sentro ng usapan sa social media ang mga naging paninindigan ng iba’t ibang senador habang nagbabago ang balanse ng kapangyarihan sa Mataas na Kapulungan.
I just googled Alan Peter Cayetano and this popped up.
Lumaban ka, APC! Don't let them STEAL your presidency too. They already kidnapped the former president and stole so much of our money. And now they are trying to impeach the only hope we have of putting all those responsible behind bars.
Kasuhan mo ng grave threat ang mga Tulfo. Kausapin mo si Chiz, and to see ano ang pwede kasuhan kay Kiko.
Coordinate, delegate and, if necessary, manipulate. Ball is in your court.
You are the Senate President of the Philippines.