Mas matanda pa ako sa Tatay ko.
Nawala siya noong 27 taong gulang pa lang siya. Sabi ng nag-alaga sa akin, pumunta raw siya sa States para magtrabaho sa California Seedless Raisins. Bilang suporta, inuubos ko 'yung pasas sa menudo kahit hindi naman talaga bagay.