#SAFECHECK | Para sa Paaralan
Maging kaagapay sa pagpapatibay ng programang tumutugon sa kapakanan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral.
Tandaan, kung ligtas ang learning environment, mas malayang matuto at umunlad ang bawat bata.
#DepEdSchoolSafety#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo, ibinahagi ng ilan sa 16 Exemplary Teachers in Indigenous Peoples Education (IPEd) 2026 ang kahalagahan ng edukasyong kumikilala, gumagalang, at nagbibigay-halaga sa yaman ng bawat katutubong pamayanan. ๐ต๐ญ
#DepEdPhilippines #IPEd #BagongPilipinas
TINGNAN: Dumalo at nagbigay ng mensahe si Education Secretary Sonny Angara ngayong araw sa ginanap na Philippine Conference on Children and Media (PCCM) 2026, sa pangunguna ng National Council for Children's Television (NCCT).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Secretary Angara ang kahalagahan ng media at information literacy sa mga paaralan at ang papel ng teknolohiya sa paghubog ng edukasyon.
Kasama rin sa nasabing conference sina NCCT Chairperson Dr. Luis P. Gatmaitan, Philippine Association for Communication Educators (PACE) President Reginald H. Gonzales, media industry partners, child rights advocates, development partners, at iba pang opisyal ng NCCT at PACE.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
MAGING LIGTAS SA SUPER EL NIรO!
Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong araw ang DepEd Memorandum No. 064, s. 2026 o ang " Anticipatory Action, Preparedness, and Protective Measures for the 2026-2027 Super El Niรฑo".
Laman ng bagong memorandum ang mga maagang hakbang na naglalayong panatilihing ligtas ang kapaligiran ng mga paaralan, pangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro, at tiyaking hindi matitigil ang pag-aaral habang nararanasan ang tagtuyot.
Para sa buong detalye, basahin ang memorandum dito: https://t.co/4DnfsOUNlw
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Naglabas ng mga komprehensibong alituntunin si Education Secretary Sonny Angara upang ihanda ang mga paaralan sa inaasahang malakas hanggang sa napakalakas na El Niรฑo, batay sa pormal na pagtaya ng state weather bureau PAGASA na magpapatuloy ito hanggang kalagitnaan ng taong 2027.
Basahin: https://t.co/FmpB3bwlMs
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Natapos na ng Department of Education (DepEd) ang pagtatayo ng 391 bagong prefabricated school buildings na kayang maitayo sa loob lamang ng ilang linggo sa halip na taon.
Basahin: https://t.co/Liwv9zlEFo
#DepEdPhilippines#BagongPilipinas
#SAFECHECK | Para sa mga Magulang at Guardian
Alam mo ba ang ginagawa ng anak mo online? Mahalagang maging bukas sa pakikipagkuwentuhan sa mga bata tungkol sa kanilang online activities.
Sa tamang paggabay at bukas na komunikasyon, masusuportahan natin ang ligtas at responsableng paggamit ng internet ng mga bata.
#DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magulang ng Kawmpang Elementary School sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan nina Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Sonny Angara para sa kanilang mga anak.
Hakbang ito upang mas mailapit ang serbisyong medikal sa komunidad at matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mag-aaral.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Malaking ginhawa para sa mga guro, mag-aaral, at komunidad ang pagdating ng YAKAP Health Caravan sa Kawmpang Elementary School, na nagbibigay ng mas madaling access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan nito.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
#SAFECHECK | Para sa mga magulang at guardian
Sa pamamagitan ng simpleng pag-iingat, makatutulong tayo upang maiwasan ang mga aksidente at mapanatiling ligtas ang tahanan at komunidad para sa ating mga anak.
Tandaan na ang kaligtasan ng mga bata ay sama-samang responsibilidad ng bawat pamilya!
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano'y pagtanggal ng Grade 11 & 12.
Muling pinaaalalahanan natin ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito.
Sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts para sa mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Bilang pagkilala sa Scouting Month ngayong Oktubre, pinaiigting ng Department of Education (DepEd) ang programang Scouting sa batayang edukasyon bilang isang mahalagang platform na ko-kurikular.
Basahin: https://t.co/bJY23KqY6a
#DepEdPhilippines#BagongPilipinas
#SAFECHECK | Sa mga magulang at guardian
Nagiging malihim ba ang iyong anak? Iparamdam sa kanya na handa kang makinig, umunawa, at umalalay.
Sa bukas na komunikasyon, maipapakita natin na may ligtas na espasyo at mapagkakatiwalaang nakatatanda siyang malalapitan anumang oras. โค๏ธ
#DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng YAKAP health caravan sa Kawmpang Elementary School sa Patikul, Sulu, upang maghatid ng direktang serbisyong medikal at pangkalusugan para sa higit 1,600 na mag-aaral, magulang, at mga kawani ng paaralan.
Basahin: https://t.co/xhCQbDhpeS
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
#SAFECHECK | Para sa mga Magulang at Guardian
May napansing pagbabago sa anak? Huwag balewalain ito. Maglaan ng panahon para kumustahin o makipagkuwentuhan sa kanila.
Simulan ang bukas na pag-uusap at iparamdam sa kanila na handa kang makinig at umalalay.
#DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Nakatakdang maglabas ng mga panuntunan si Education Secretary Sonny Angara na nag-aatas sa lahat ng paaralan sa buong bansa na maghanda para sa inaasahang epekto ng El Niรฑo sa School Year 2026โ2027.
Basahin: https://t.co/xl2dVuLy81
#DepEdPhilippines#BagongPilipinas
Isinulong ni Education Secretary Sonny Angara sa Senado nitong Biyernes ang iminumungkahing PHP 969.79 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) para sa Fiscal Year 2027, kasabay ng pakiusap na maaprubahan ang karagdagang PHP 147.93 bilyon para sa mga pangunahing programa ng Kagawaran.
Read the article: https://t.co/5o8zai4kwt
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Mahalagang kaagapay sa paghubog ng mabuting asal at values ng mga bata ang pamilya.
Sa #KaagapayProgram, binibigyan natin ang mga magulang at guardian ng praktikal na gabay at kaalaman mula sa mga eksperto upang mas maunawaan at masuportahan ang kanilang mga anak.
Narito ang ilang paalala para sa mas matatag na ugnayan at mas positibong paggabay sa ating mga anak.
#DepEdSchoolSafety #SafeCheck #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
MENTAL HEALTH CARAVAN NG DEPED, DUMATING NA SA MARIKINA! ๐ซ ๐ค
Masayang sinalubong ng mga mag-aaral, guro, at mga opisyal ng Marikina ang unang stop ng DepEd Mental Health Caravan.
Layunin nitong gawing mas accessible ang mental health programs and initiatives sa mga paaralan sa buong bansa.
Dito, may makikinig, may tutulong, at may karamay ka rito. โค๏ธ
#MentalHealth #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas