BABALA: May kumakalat na edited video mula sa coverage ng GMA Integrated News at GMA Regional TV sa Sinulog Festival.
Ang orihinal na video ay kuha mula sa Cebu City kung saan nagdadasal at naglalakad ang mga deboto habang bitbit ang imahen ng Inang Maria noong January 17, 2025 para sa #FiestaSeñor2025. Samantala, sinasabi sa edited video na ang kuha ay mula raw sa prayer rally sa Cebu City para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang idinetine sa The Hague, Netherlands.
Pinaaalalahanan namin ang lahat na maging mapanuri at ‘wag basta-bastang maniniwala sa mga kumakalat na pekeng balita online. I-follow ang GMA Integrated News sa social media at bisitahin ang https://t.co/bAMF9JOAN0 para sa iba pang news at updates.
Malaki na at tataas pa ang sahod ng mga mambabatas hanggang 2027.
Kilatisin ang mga iniluluklok sa puwesto dahil buwis mo ang ipinapasweldo sa kanila. #Halalan2025