(1)
Buntong hininga.
Hindi ko mawari kung pagod o pagkadismaya.
Iba ang pinapakita ng katawan sa sinasabi ng isipan.
Iba ang lumalabas sa bibig sa nararamdaman.
Sana sa susunod kong paghinga.
Magdulot na ito ng saya.
Baka di lang ako sanay sa totoong nangyayari. Baka di lang ako sanay na lahat ng tao'y may iba't ibang landas na patutunguhan. Hindi lang ata ako handa kahit alam ko naman. Naiintidihan ko naman.
Just a random thought. Napansin ko lang na habang tumatanda ka, nag iiba na ang lahat. Yung mga nakagawian na mahilig mong ginagawa is bihira mo na lang gawin ngayon. Yung mga taong kasama mo palagi is may sari-sarili ng gampanin sa buhay.
Alam mo yung feeling na parang fixer ka lang ng buhay ng isang tao. There are some people that comes into your life but not intended to make it last but as temporary. Your role is just to fix someone's life or mold them into the best version of themselves.
Masaya kapag nakikita mo yung resulta. Masaya kapag nakikita mo yung improvements. Pero nakakapagod kapag paulit-ulit na lang nangyayari sa bawat tao na dumarating. Pagkatapos mong ayusin o buoin yung isang tao. Kalaunan, aalis na lang sila ng biglaan, magpapaalam o mang-iiwan.