Hindi pwedeng makalusot, at hindi pwedeng ma-abswelto ng basta-basta lang ang mga responsable sa mga pagpatay at mga sumunod sa k*ll orders na 'yan. Dahil lang inaako na ng dating Mayor at dating Pangulo ang buong legal at moral na responsibilidad, hindi ibig sabihin nito na abswelto na o hindi na dapat pang panagutin ang mga sumunod sa kanyang “k*ll k*ll k*ll” orders.
Puwede bang safe ang isang lipunan kung basta na lang pum*p*tay nang hindi dumadaan sa rule of law? Mali pong pag-iisip ‘yon—dapat managot at dumaan sa tamang proseso ang mga nagtakda at nagsagawa ng mga krimen na ‘yan.
#LeilaDeLima #MLPartylist #LabanLeila #TaraML #TapatSaPilipino #Unbreakable #LeilabanAngLeilayan