Alam mo, dalawang rason lang naman kung bakit hindi natin pinag kakatiwalaan ang isang tao. Una dahil hindi natin sila kilala, at pangalawa dahil lubusan na natin silang kilala. #alammo
Alam mo, may mga bagay sa mundo na hindi natin kayang ipaliwanag, katulad nalang ng hindi mo pagsuko sa kabila ng marami mong pinagdadaanan na problema. Kaya laban! πͺ #alammo
Alam mo, bukod sa Diyos wala naman makakapagsabi kung hanggang kailan nalang ang itatagal natin sa mundong ibabaw, kaya habang narito pa tayo eh ipadama mo sa mga taong mahal mo kung gaano mo sila kamahal. #alammo
Alam mo, hindi naman agad mawawala ang problema kapag nag pahinga ka, pero magkakaroon ka ng lakas para lumaban ulit. Kaya kapag napapagod ka, magpahinga ka lang π #alammo
Alam mo, huwag mong sabihin na hindi mo kaya kung hindi mo pa sinusubukan, lahat ay dapat mong paghirapan at lahat ay nagpag-aaralan, trust the process π #alammo
Alam mo, kahit gaano kahirap pa yan, makakayanan mo yan! Ikaw pa ba? Kinaya mo nga ang lahat ng pagsubok sa buhay mo ngayon ka paba mawawalan ng pag-asa? Laban! πͺπ #alammo
Alam mo, may mga pagkakataon sa buhay mo na mahihirapan at panghihinaan ka ng loob to the point na tatanungin mo ang sarili mo kung worth it pa bang lumaban? Pag nangyari yun isipin mo ang mga taong nagbibigay inspirasyon sayo. Magkakaroon ka ng lakas para magpatuloy muli. Laban!