Inuulit ko: Hindi confidential ang katotohanan, lalo na kung ang pinag-uusapan ay unexplained wealth ng isang opisyal. Karapatan ng taumbayang malaman ang totoo.
Malinaw na malinaw, samakatuwid ay Chinese Communist Party ang backer ni Sara Duterte.
At ang bise-presidente ng Pilipinas ay isang Taksil, Makapili at Hudas at Wumao.
Jessica Soho calls on the youth to join the fight against corruption:
"Sa mga kabataan, hinihimok ko kayo na makibahagi at iparinig ang inyong mga tinig kasi kung hindi, kayo ang magmamana ng lahat ng ito. Huwag n'yong hayaan na hanggang sa inyong henerasyon ay meron pa rin tayong mga baha na hindi nasosolusyonan. Meron pa ring mga katiwalian at buhay pa rin ang mga kurakot na namamayagpag at inuubos ang lakas at dugo ng ating sambayanan."
Atty. Lorna Kapunan to Sara Duterte:
“I certainly don’t like her but not because she is she, but because of what is doing to us as a nation.”
MIC DROP 🎤 https://t.co/XrpaADQJ5g
With all due respect to the Senator-Judge at para hindi maligaw ang publiko, ito po ang konteksto at kumpleto na sinabi ko:
“(Ang fishing expedition) ay maaaring sabihin nating nangyari kung only if the party requesting the evidence or documents ay nagbabakasakali lang, baka may makuha tayo dito.”
Linawin ko po: Hindi tayo nagbabakasakali lang. May probable cause o sapat na dahilan na nakita sa mga record ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa bilyun-bilyong dumaan sa accounts ng VP at kanyang asawa.
Hiningi natin ang bank records para makita kung tugma ito sa sinasabi ng AMLC reports. Tandaan: Ang bank records ay maaari lang mailabas kapag may utos o subpoena mula sa korte. Ibig sabihin, kung nabuksan ng Kamara ang mismong bank records bago ang trial, paglabag yan sa karapatan at due process ni VP Sara Duterte.
Ngayong may subpoena na para sa bank records ng Bise Presidente, magagamit ito ng magkabilang panig para patunayan ang kanilang kaso.
Sa ganitong paraan, makakapagpasya ang mga Senator-Judges batay sa kabuuan ng ebidensya.
Kapag magagaling ang mga abugado ng prosekusyon at depensa, masarap makinig; ang dami nating natutuhan. Ang problema, kapag may umentra na senator-judge na ‘bopol’, nakaka-bobo naman. Win some, lose some.
Confidentiality cannot trump accountability. Sang-ayon ba kayo?
Ngayong araw, inaprubahan ng impeachment court ang ating hiling na ipa-subpoena ang mga bank records, tax records, at AMLC reports kaugnay ni VP Sara Duterte at ng kanyang asawa.
Mahalaga ito sa usapin ng unexplained wealth. Ayon sa Korte Suprema, kailangang ihambing ang yaman ng isang opisyal noong una siyang pumasok sa gobyerno laban sa lahat ng perang pumasok sa kanyang mga accounts sa nakalipas na mga taon. Dito malalaman kung tugma ba ang kanyang lehitimong kinikita sa aktwal na yaman niya.
Umaasa tayo sa tuluyang paglabas ng lahat ng ebidensya.
I-share ito kung naniniwala kang dapat nakabatay sa buong katotohanan ang hatol ng Impeachment Court!