Hindi ako hihingi ng pera pero lowkey magpaparinig ako na wala na akong pera, gan'yan. Kasi ayoko ng humihingi, gusto ko 'yong kusang binibigyan HAHAHAHAHAHAHA
Ikakasal na this October ang isa sa mga childhood friends ko na kapitbahay rin namin, magtatampo talaga ako kapag hindi ako inabay. Jk. It's her choice naman. Hindi na rin naman kami halos nagkikita at nagkakausap lately.
I told him, aabsent ako sa work sa tuesday para ituloy ang pagligo sa dagat and to spend the whole day together kasi aalis na naman s'ya sa wednesday and hindi ko alam kung kailan s'ya babalik kasi deployment na nila.
Supposedly maliligo kaming dagat kaninang umaga pero hindi natuloy kasi nagkaroon kami ng 'di pagakakaintindihan. Then, nag-usap kami ngayong gabi at naayos naman. Kaya sabi ko tambay kami sa tabing dagat kahit 9:00 pm na kaya sinundo n'ya agad ako sa bahay.
Kauuwi ko lang ngayon kasi dumaan pa kami sa bahay nila at parang ayaw n'ya pa ako pauwiin.
Ewan ko ah pero parang ang sarap magsama after a fight kasi parang sobrang na-miss n'yo ang isa't isa.
Cutie nung gay sa 711 kanina. Bumili kasi kami ng boyfriend ko ng sanmig at pagkain kasi tatambay kami sa tabing dagat, then bigla s'ya nagtanong kung magjowa kami. Sabi ko "opo". Sabi n'ya, "Sana all" and "Dapat nag gin puro na lang kayo, nalasing pa kayo" sabay tawa.
Konting time na nga lang kayo nagkakausap which is sa gabi na nga lang tapos ilang araw na lang posibleng di na ulit sila makagamit ng cellphone tapos mas inuna pang uminom kasama mga taong araw-araw nya naman nakakasama at makakasama nya rin naman sa deployment kaysa kusapin ka.