Gusto mong lunurin yung sarili mo sa lahat ng mga bagay na nakakapagpamanhid sayo. Gusto mong patayin yung bigat sa loob mo gaya ng mga sinasabi nilang ikamamatay mo.
Sa tuwing nadidinig ko yung salitang โstage 3โ alam ko nang kailangan ko na ulit ihanda yung sarili ko. Pero Panginoon, nakikiusap po ako sa inyo, humihiling po ako sa inyo ng milagro pakiusap po!!! ๐๐ญ
Kinakaya mo nalang dahil sa tiwala at paniniwala ng mga tao sa paligid mo. Kinakaya mo nalang dahil sa mga pangarap mo para sa pamilya mo, lalo na sa mga magulang mo. Pero paano nga kaya kung para nalang sa sarili mo? Kakayanin mo pa ba talaga?
Kahit isang taon pa na ganyan karami OT mo, alam mong hindi pa rin sapat sa laki ng mga bayarin mo. Kayaโt ang tanong mo palagi sa sarili mo, kakayanin mo pa ba talaga?