Statement of the Liberal Party
5 August 2024
Masigabong palakpakan ang ipinaparating namin kay Carlos Yulo, sa kanyang kahanga-hangang performance sa Paris 2024 Olympics. Binabati rin namin ang lahat ng kasama sa ating delegasyon, kasama na ang mga coach at support staff. Good luck sa inyong lahat.
Walang duda na world-class ang kakayahan ng Pilipino, hindi lang sa sports, kundi sa napakarami pang larangan. Kapag nabigyan ng suporta at pagkakataon, titindig ang Pilipino, at ibibigay ang lahat ng makakaya para sa kanyang pamilya at bansa.
Naniniwala ang Partido Liberal na mas malayo ang mararating ng ating mga kababayan kung gagawing mas planado at sistematiko ang pagbibigay ng suporta at pagkakataon sa mga Pilipino. Ang panawagan namin: Maglatag ng mga programa para maging mas bukas ang mamamayan sa iba pang mga sport at larangan, at magpatupad ng mga pagbabagong magsisiguro na hindi mapipilitang umalis ng bansa ang pinakamatatalino, pinakamabibilis, at pinakamalalakas sa atin.
Mabuhay ang atletang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!
#Paris2024
"HINDI KO KAILANGAN ANG RESPECT MO."
Sen. Risa Hontiveros responds again to VP Sara Duterte's remark that she "has no respect" for her and Rep. Castro.
"Ang hinihingi ko sa iyo at ng taumbayan ay accountability... Mas marami ka pang patutsada kaysa sa paliwanag," she says. | via @jauhnetienne
Noong dumating kami sa Mendiola, namigay ang mga pulis ng tubig sa amin.
Kaya sabi ko sa talumpati masarap pala pag makatao, di nananakit at di nanonokhang ang mga pulis. Sanaol the time.
Kasi sa buong bansa, pinapatay at kinukulong pa rin ang mga manggagawang aktibista.
Ngayong Araw ng Manggagawa, isang pagpupugay sa lahat ng nasa unahan, gitna, at likuran.
Ang sipag at sakripisyo nila ang dahilan kung bakit nananatiling matatag ang ating bayan. #LaborDay