IPINAGMAMALAKI ANG GALING NG PINOY SA BUONG MUNDO 🇵🇭🌸💖✨
Binigyang-pugay natin ang BINI para sa kanilang makasaysayang performance sa Coachella—isang patunay ng talento, sipag, at dedikasyon ng bagong henerasyon ng mga Pilipino.
Bilang asawa ng isang performer, alam ko ang hirap, sakripisyo, at mahabang oras na inilalaan sa entablado. Kaya lalo kong pinapahalagahan ang tagumpay na ito.
Salamat, BINI, sa pagdadala ng ating bandera sa world stage at sa pagpapakita ng galing ng Pilipino sa buong mundo. 🌸