Grabe. Ang pinakasukdulan talaga ay yung tangang mayabang.
Maipasok lang ang sariling katwiran, gagamitin na ang batas na parang goma β iuunat, pipilipitin, babaluktutin β para lang mapaboto ang katotong pinaghahanap ng hustisya.
Sorry, patola ako ngayon, kasi hindi ko talaga kayang unawain kung bakit tayo nagbabayad ng buwis para paswelduhin ang mga ganito.
Hindi na nga sumusunod sa batas, ipinagyayabang pa ang kamangmangan. Excuse po ba sila sa Constitution? May special lane ba ang katangahan sa Senado?
Indeed, the punishment of wise men is to be ruled by unwise men. Pero marami sila, kaya βmenβ na rin. Collective noun na yata ang kabobohan.
At kung maiinis kayo dahil kesyo nagmamarunong ako, i-block nβyo na ako. Walang pilitan dito. Hindi ko obligasyong gawing daycare ang wall ko para sa mga allergic sa common sense.
Hindi tayo uunlad sa ganitong klaseng pag-iisip: yung mali na nga, ipinipilit pa; yung batas na nga, ginagawang suggestion; yung accountability na nga, ginagawang favor sa tropa.
Kaya please, trolls at DDS, huwag muna kayong magtambay sa wall ko. Bad trip ako today. π‘