Ano kayang feeling nung hindi ka mammroblema ng kung sinong mag aalaga sa mga anak mo kung may emergency or appointment na need ano? Yung feeling na di mo need magpaliwanag at magmakaawa para lang matulungan ka may mag alaga sa mga anak mo.
Akala ko ba, hirap ka? Akala ko ba, di mo na kaya? Akala ko ba, hilo ka kapag umaga? May sakit ako oh?! Tapos ang lakas lakas mo bigla dahil kailangan ka nung isa? Grabeeee. Di ko talaga matake!
Sobrang punong puno na ako!!! Kapag kami, obligado ang dating sayo, at puro reklamo. Pero kapag sa iba, aba e kahit di na magsabi. Magkukusa na. Kami kulang nalang magmakaawa na, kahit na ending kami pa yung parang nang oobliga humingi ng tulong at alalay?