‘HINDI KAMI TITIGIL PARA MAKUHA ANG KASAGUTAN’
Nanawagan ng katarungan at tulong ang pamilya ng isang nasawing rider matapos itong masangkot sa isang aksidente na kinasasangkutan ng isang L300 noong Huwebes, Nobyembre 5.
Ayon sa pamilya ng nasawi, dakong 2:45 ng hapon kahapon, habang patungo ito sa trabaho nang mangyari ang insidente sa tapat ng isang gasolinahan sa C5, Parañaque City.
Naniniwala ang pamilya na posibleng hit-and-run umano ang nangyari dahil natagpuan na lamang ang kanilang kaanak at ang motor nito sa kalsada.
“Self-accident daw, pero sa likod ng motor ang tama. Wasak ang taillight at yupi ang pipe, habang walang damage sa harap ng motor,” pahayag ng kapatid ng biktima.
Dahil dito, nananawagan ang pamilya na mabigyang-linaw ang tunay na pangyayari sa likod ng aksidente at matukoy kung sino ang may pananagutan. | DZRH Digital
Courtesy: Arnold Louie Manuguid