Bagong Botante, Bagong Pulitika: Unity Statement of the Filipino Youth for Genuine Political Change.
Kabataan, lumaban tungo sa bagong pulitika! Atin ang bukas;
Patuloy ang ating panawagan na repormahin ang bulok na justice system, palayain si Senadora Leila de Lima at iba pang political prisoners.
Ang sigaw ng masa, hustisya!
@SenLeiladeLima
#FreeLeilaDeLimaNow
Pinakamataas na pagkondena sa pamamaril ng mga paramilitar at sa panggigipit sa lehitimong protesta ng tunay nagmamay-ari ng mga lupain.
Full Statement:
https://t.co/j2NX5FEW9S
Wala sa bokabularyo ng isang babaeng nagmula sa Naga ang pag-atras.
Malinaw ang sinasaad ng kasalukuyang sitwasyon, naghahari pa rin ang mababang pagtingin sa mga kababaihan.
Lalong higit, huwag hayaang magwagi ang mga kandidatong may masamang bahid ang track-record.
Tuloy ang ating laban, patuloy na abutin at pakinggan ang mga mamamayan. Laging tatandaan, higit na radikal ang magmahal.
Bulacan State University, sama-sama nating salubungin ng buong sikhay ang mga bagong lider-estudyante na patuloy na lalahok at lalaban upang ating matamasa ang isang bukas na malaya!
Mula noon at hanggang ngayon, tapat ang KASAMA BULSU sa patuloy na pagtindig at sa karapatan at kapakanan ng bawat BulSUan—sa harap man ng lamesa o kahit sa lansangan. Kasaysayan mismo ang saksi sa mga tagumpay na ating pinagsamahan dahil sa sama-sama nating paglahok at paglaban.
Ilang taon mang binitbit at nakulong sa ating mga tahanan at sa harap ng iskrin ang ating edukasyon, ito na ang panahon upang muling maging inklusibo ang ating batayang karapatan.
Hindi man ito ang nakagawian, bagamat wala tayo sa Heroes’ Park para magtipon at walang mahabang martsa mula sa Gate 4, samahan po ninyo kami bukas, sa ganap na ika-1 n.h., para sa Elenchus: Miting de Avance 2022 sa Facebook page ng UCSE (https://t.co/PK5U7nNDRG)
Hindi ka maganda lamang - mayroon kang lakas upang makibaka at makisangkot sa mga isyung panlipunan.
Hindi ka tahimik lamang - umiimbulog ang iyong tinig kasabay ang walang tigatig mong paninindigan.
Tayo ang humahabi ng kasaysayang idadamit sa ating bukas. Bilang kabataan, bitbit natin ang kapangyarihang basagin ang nakasanayan at lumikha ng mga pagkilos at pagbabago para sa kapakinabangan ng bayan.
Angkinin ang ating mga ipinaglalaban.
Bumoses para sa mga hindi pinakikinggan.
Tumindig para sa mga binubusalan.
Sumulong para sa bayan.
Tayo ang KASAMA.
Hindi kailanman magpapatinag, 'di kailanman aatras,
dahil kabataan, ATIN ANG BUKAS.
Tayo ang humahabi ng kasaysayang idadamit sa ating bukas. Bilang kabataan, bitbit natin ang kapangyarihang basagin ang nakasanayan at lumikha ng mga pagkilos at pagbabago para sa kapakinabangan ng bayan.
Simulan natin ang pangarap ng pag-ahon sa loob ng pamantasan. Mula dito, bitbitin natin palabas, tungo sa mga eskinita, ipasa sa mga komunidad, at ialay sa sambayanan ang ating kolektibong lakas dahil lahat ay KASAMA sa pag-angkin ng malaya at maliwanag na bukas.