nakakapanlumo ang pangungurakot ng buwis na binabayaran natin. yung kahit love mo trabaho mo, mapapaisip ka talaga kung worth it ba lahat ng pagod dahil habang kumakayod ka, may mga nasa posisyon na imbis na pinapagaan ang buhay ng mga mamamayan, ay pinapabigat pa lalo.
Kung ang nagnakaw ng de latang walang isang daang piso para sa gutom na pamilya ay nahuli at nakulong, anong parusa ang naghihintay at maaasahan nating mga mamamayan sa mga opisyal na bilyones ang kinurakot sa kaban ng bayan?