BAKIT DAW HINDI NAKA-BLUR? ๐ค
Napansin ng maraming netizens ang mugshot na ito ng The Philippine Star. Ang tanong nila: bakit malinaw ang mukha, samantalang sa karamihan ng mga kahalintulad na kaso ay naka-blur ang mga mugshot?
Matagal nang nakasanayan ng publiko na ang mga mugshot na ipo-post ng mga news organizations ay kadalasang naka-blur, lalo na kung ang taong sangkot ay suspect pa lamang at wala pang pinal na hatol.
Marami rin ang nagkumpara rito sa mga naunang posts ng The Philippine Star, kung saan naka-blur ang mga mukha ng mga pinaghihinalaang drug personalities. Maging ang mga mugshot ng ilang naarestong personalidad at pulitiko noon, gaya nina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, ay naka-blur din.
Kaya ngayon, maraming netizens ang nagtatanong: May nagbago ba sa editorial policy, o isa ba itong exception?
Ito ang caption ng The Philippine Star sa naturang post:
"Criminal complaints have been filed against a businessman, said to be an organizer of s*x orgies among his clients, who was arrested in Pasig for allegedly selling the party drug ****asy, police said on Friday."
Ano sa tingin ninyo? Dapat bang pare-pareho ang pagtrato ng media sa paglalathala ng mga mugshot, o may mga sitwasyong puwedeng gawing exception?