Ngayong araw sa ating kasaysayan ipinagdiriwang natin ang ikalimang daang taong anibersaryo ng ‘circumnavigation' ng Magallanes-Elcano Expedition at pagdating ni Ferdinand Magellanes sa Pilipinas.
Sakay ng barkong Trinidad naglayag ang grupo ni Magellanes noong 1519 patungong Moluccas gamit ang kanlurang ruta at sila nakarating ng Pilipinas noong ika-16 ng Marso taong 1521. Ang ekspedisyong ito ay nasilayan sa dalampasigan ng Isla ng Pilipinas sa bahagi ng Homonhon, Samar.
Nakikiisa ang samahan ng Kaalaman at Kasiyahan sa Kasaysayan sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan o International Women's Day. Gayun rin naman sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso.
“Kasaysayan ang amo, bayan ang pinaglilingkuran. Wala po akong maipagmamalaki, lahat ng ito ay dahil may saysay talaga ang ating kasaysayan at pagkakakilanlan." - Prof. Michael Charleston “Xiao" Chua
Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kasaysayan? 🤔
Halina't ating alamin ang kahalagahan ng kasaysayan, kung saan malalaman mo ang ibat-ibang dahilan kung bakit kailangang pag-aralan ang nakaraan. 😊
#KahalagahanNgKasaysayan#KaalamanAtKasiyahanSaKasaysayan
"Ipaghandog-handog ng buong pag-ibig hanggang sa mga dugo'y ubusang itigis kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit) ito'y kapalaran at tunay na langit"
- (sipi mula sa tulang Pag-Ibig sa Tinubuang Bayan ni Andres Bonifacio)
#KaalamanAtKasiyahanSaKasaysayan#ArawngmgaBayani
Handa na ba kayo mga KA-SAYSAY? Malapit ng magsimulang magbahagi ng kaalaman na may kasamang kasiyahan ang KKK tungkol sa ating Kasaysayan. Kaya't manatiling updated, like and share mo na 'to!