Ang video na ito ay gawa ng China Daily — ang state-controlled media ng China.
Hindi ba’t nakakagalit na ang mismong bansang gumigipit sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea ang siya pang may lakas ng loob na gumawa ng video na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy na basta na lamang sumusunod sa Japan at Estados Unidos?
Isang caricature lang ay iniyakan na nila — nagfile pa ng diplomatic protest dahil binastos ko raw ang kanilang lider. Ngunit dito, sa video na ito na mahigit isang minuto, ang binabastos at minamaliit ay ang ating pagka-PILIPINO mismo!
Naaalala ko tuloy ang ilang senador na nagsabing kailangan ko raw humingi ng tawad sa China. Ngayon kaya, sasabihin din ba nilang ang China naman ang dapat humingi ng tawad — dahil tayong mga Pilipino mismo ang binababoy ng video na ito?
Mga kababayang Pilipino hindi po tayo UNGGOY, at huwag tayong pumayag na gawing UNGGOY! Ang mga hayop lamang ang mga nakakagawa ng ganitong pagturing sa kapwa tao at mas masahol pa sa hayop ang hindi marunong sumunod sa international law!