Wala tayong karapatang sabihan ang ibang tao na “i-give up mo na ‘yan, malaki na’y bill” o “wala na ‘yang pag-asa kasi brain dead na” - lalo na kung kaibigan ka lang.
May anak yung tao, may pamilya. Hayaan silang magdecide for that. What we need is to just give comfort. Fck
That same workmate na nagsabing marami namang pera si Sir Geybin at bakit siya madedepress, again, for the 2nd time, showed her skills.
Note sa Fb: Mas matangkad pa sa akin ang pagod ko.
Ate Gurl: Hayaan mo na, marami ka namang kita.
Really? Ano to, isasalonpas ko ang 500?
Overheard
***: Bakit na-depress si Sir Geybin? Ee andami niyang pera?
Hindi naman laging tungkol sa pera ang mga bagay, Tita. Nakakapagod mabuhay, nakakapagod bumuhay.
Ito ‘yung nakakatakot kapag nasanay mga tao sa paligid natin na malakas tayo.
Di ko alam kung matatawa ba ako sa kwentuhan ng kabataan dito sa kalye.
Walang kuryente. 11:20pm
Bata1: Ikaw ba, Cris, pabor ka ba sa abortion?
(Napa-wow ako, totoo)
Bata2: Ano ba ‘yung abortion?
Bata 1: Edi ‘yung bakla, tomboy, ganon.
Bata3: Hindi! Yung sa buntis yon!!
Ang dami pang naglalaro sa isip ko na programa at proyekto! At alam kong kayang kaya na mangyari ‘yun.
Sana dumating ang pagkakataon na ‘yun.
Sana mabigyan tayong pagkakataon. Soon.
Everytime na bumabyahe ako mag-isa, pinapatay ko ang anumang ingay sa sasakyan - tapos nagsasalita ako na kala mo miting de avance. Hahaha. May pakaway-kaway pa ako na akala mong tumatakbo talaga na Pulitiko.
1/-
Naalala ko tuloy lahat.
‘Yung pamimigay ng School Supplies, Kapote, Payong at Tsinelas. Pagpapatayo ng Palaruan. Pag-ikot para sa Lugawan sa simbahan at bayan, Pagtayo ng Community Pantry, pamamahagi ng Diapers, at ngayon mga gamot.
Grabe. Ang layo na pala natin.
2/-
Naalala ko pa rati, ‘yung single na repong motor lang ang pinapaingay namin tuwing bagong taon.
Salamat sa mga biyaya, Lord. Sarap ibusina ng sasakyan at maayos na motor. ✨#HappyNewYear