Maraming paraan para tayo'y makatulong sa kalikasan tulad ng hindi pagtapon ng basura sa kalsada, ilog at dagat. Maliit na bagay lamang ngunit malaki ang magiging epekto nito.
Kung naging disiplinado lamang tayo sa ating mga basura hindi na sana tayo naghihirap. Meron pa sana tayong malalanguyan pati narin ang mga isda na ating pwedeng kainin. Ngayon palang nararamdaman na natin ang hirap sa tubig paano pa kaya sa hinaharap.