Honestly… I need to say this.
Why are we supporting AI-generated songs?
Like, seriously, bakit ?
Gets ko ha. Trendy. “Astig.” Nakaka-curious. Pero bakit tayo naghi-hype nito? Bakit tayo nakikinig sa kanta na hindi naman galing sa buhay ng kahit sino?
Alam n’yo ba kung ilang singer, songwriter, producer dito sa Pilipinas ang nagbabayad ng studio from their own pocket? Kung ilang banda ang nagco-commute ng dalawang oras para tumugtog sa gig na walang bayad? Kung ilang artists ang nagti-tiis ng 200 views for years bago mapansin? Tapos papalitan natin sila ng algorithm?
OPM is not template.
Hindi siya prompt.
OPM is hugot.
OPM is pawis.
OPM is heartbreak na hindi mo kayang i-delete at i-regenerate.
Kung sinusuportahan mo ang AI music kasi “pareho lang naman tunog”…
then you were never really listening.
We have real artists. Real talent. Real story.
And instead of streaming them, we’re streaming a machine trained on their work?
Make it make sense naman !
Support OPM.
Support human artists.
Hindi natin kailangan ng fake band para maramdaman ang tunay na music.
Kung mahal mo ang OPM,
ipaglaban mo ‘yung mga taong gumagawa nito !
Periodt. Yun lang naman.