MAGHAHAIN NG NOTICE OF TAKEOVER
Dumating na ang lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan sa water district nito para ihain ang notice of takeover mula sa pangangasiwa ng PrimeWater Infrastructure Corp.
Kasunod ito ng mga reklamo ng mga residente ng San Jose Del Monte patungkol sa hindi maayos na access sa supply ng tubig sa iba't ibang bahagi ng lugar sa mga nakalipas na taon. | via MOJO Marymon Reyes