Batid natin ang galing ni G. Philippe Lhuillier kung kaya’t siya ay muli nating itinalaga sa posisyong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary para sa bansang Spain.
Tiyak kong kanyang gagampanan ng buong puso at igugugol ang kanyang husay para sa bansa.
Sa aming pagpupulong ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, aming tinalakay ang mga paksa kung paano mas mapapakinabangan at mapapangalagaan ang ating likas na yaman.
This triumph is the greatest gift that you have given to your country. We thank and congratulate you on this hard-earned and historic achievement.
We look forward to seeing Team Filipinas in next year’s FIFA Women’s World Cup!
Pinasasalamatan ko ang lahat ng kalihim na aktibong naglahad ng kani-kanilang mga plano at programa para sa kanilang sektor. Nais ko ring ihayag sa inyo na atin nang pormal na itinalaga si Gng. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga bilang kalihim ng DENR.
BBM VLOG 219: Booster
Muli kong inihahayag sa inyo ang importansya ng pagpapabakuna at booster shots.
Malaking bahagi ito sa preparasyon natin sa pagbabalik ng face to face classes at sa pagluwag ng iba pang safety protocols.
https://t.co/2BMmaRhy1J
Pagkatapos ng ating isolation period, tayo ay nakipag-usap kay Ambassador Manuel Antonio Teehankee at pinangunahan ang kanyang panunumpa bilang Philippine Permanent Representative to the World Trade Organization.
Sa ating pagpupulong kasama si NEDA Director-General Arsenio Balisacan, tinalakay kung paano mapapabilis ang pag-imprenta at distribusyon ng National ID cards upang magamit na ng ating mga kababayan simula sa unang bahagi ng taong 2023.
Kahit pangkasalukuyan tayong naka-isolate, patuloy ang ating mga pagpupulong at iba pang tungkulin sa pamamagitan ng internet.
Marami ang maitatawid na komunikasyon sa matibay at mabisang digital infrastructure na siya ring sinisikap nating pagandahin pa.
Nakakalungkot man na hindi tayo nakadalo ng personal sa pagtitipong ito, minabuti pa rin nating makiisa sa kanila online upang mapag-usapan ang mga plano para sa Booster Campaign Rollout at sa pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.
I thank the members of the Private Sector Advisory Council for joining us in a meeting to discuss and exchange ideas about scaling up our agricultural sector.
Ating pormal na itinilaga ang mga indibdiwal na ating inatasang maging parte ng iba’t-ibang organisasyon sa loob ng aking opisina. Tiwala at tinitiyak kong sila ay maglilingkod ng tapat para sa ating bansa.
Sa pandaigdigang krisis ng pagtaas ng presyo ng langis, isa sa magiging mahalagang kasama natin sa pagtugon ay ang Kagawaran ng Enerhiya.
Masusing tinalakay ang ating mga susunod na hakbang at ang magiging direksyon ng departamento.
I am grateful to Minister Wang Yi for extending the message of congratulations and support from President Xi Jinping.
We also discussed agriculture, infrastructure, energy, and our commitment to maintaining the strong relationship between our peoples in the coming years.