Kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta, pakikinig, at pakikisama sa amin sa kwento ng dakilang Esperanza! 🥁
Samahan niyo kami sa huling pagkakataon at gunitain ang pagsisikap ng aming produksyon. 🌕✨
Eto na ang hinihintay nating lahat! 🤩✨
Halina’t manood at tangkilikin ang pagtatanghal ng Merry-Go-MAD Productions sa loob ng 21st at 22nd floor ng Blessed Giorgio Frassati Building. 🎟
Handa ka na ba?
MADaming tanong ngunit hindi maisasagot nang hindi tinutuklas ang misteryosong mundo ng Kaluwalhatian.
Ano ang mundo sa isang babae na nawalan ng lahat?
Ano ang mga diyos sa pighati ng isang mortal?
Ano ang halimaw sa kapangyarihan ng Esperanza?
Teka… sino ba si Esperanza?
[1] LUCIA
Ang Huling Esperanza.
Dakilang tagapagtanggol ng buwan at tanging pag-asa ng diyos at mortal. Maparaan at determinado sa kabila ng kanyang mga balakid.
[2] LUCAS
Ang Huling Esperanza.
Isang huwarang na bayani na siyang maaasahan sa pagkakamit ng hustisya lalo na sa sambahayan ng Esperanza. Puno ng kagitingan at pag-asa.
[3] LAHO
Ang Panganib ng Buwan.
Makasarili at walang alinlangan tapakan ng iba para makamit ang sariling gusto. Ang matinding kalaban ng mga Esperanza.
[3] LAHO
Ang Panganib ng Buwan.
Makasarili at walang alinlangan tapakan ng iba para makamit ang sariling gusto. Ang matinding kalaban ng mga Esperanza.
[4] BATHALA
Ang Diyos ng Kataas-taasan.
Mapagmahal at patas na diyos na siyang nagdadala ng katarungan sa kanyang pamamahala.
Mahabagin ngunit hindi sa mga hindi karapat-dapat.
[5] MAYARI
Ang Diyosa ng Buwan.
Isang matapang at magandang mandirigma na siyang walang takot ipaglaban ang tama. Iyong maaasahan at mapagkakatiwalaan na kakampi.
Inaanyayahan namin kayong lahat na saksihan ang mahiwagang obra ng 12MAD7 ngayong paparating na ika-dalawampu't pito ng Abril sa Bl. Pier Giorgio Frassati Bldg. 21st/22nd Flr. Auditorium ! 🎭 (1/2)