CALL FOR VOLUNTEERS:
Sabay-sabay nating ibalik ang boses ng mamayan sa Kongreso!
Magregister gamit ang link para mag-volunteer at samahan ang mga masisipag, matatapang, at dedikadong miyembro ng ML Partylist ngayong darating na halalan!
Register:
https://t.co/RPGd4cmnrs
#MLPartylist #MamamayangLiberal
#TapatSaPilipino
#TuloyAngLaban
#Volunteer
#Partylist
#LeilaDeLima
#TeddyBaguilat
#ErinTanada
#TaraML
We strongly condemn these arrests and the disregard for protesters’ rights. We demand a thorough investigation into the reported unlawful acts committed by the arresting officers and that those responsible be held accountable.
Dapat may tunay na konsultasyon at legal na proteksyon ang mga komunidad na apektado ng pagmimina.
Through our continued engagement with community leaders in Kasibu, we have heard their concerns about inadequate community consultation, the effects of mining exploration on their ancestral lands, livelihoods, and water resources, as well as threats to the safety of those who have chosen to speak out against alleged mining violations in their community.
Kailangang agarang imbestigahan ang usaping ito. We will continue to stand with Novo Vizcayanos and our Indigenous Peoples. They must always have a meaningful voice in decisions that affect their lives, particularly involving their livelihoods, environment, and ancestral domains.
Tinakpan na nga ang mukha ng kahirapan para maitago sa ASEAN, bubusalan pa ang daan-daang mga raliyista, kabilang ang mga katutubo, magsasaka, estudyante, at media practitioners, sa panggigipit at di-makatarungang pag-aresto sa kanila?
Is this really the message we want to convey to ASEAN and other participating countries at the summit?
Where is the maximum tolerance expected of police officers and their respect for freedom of speech and expression in these arrests?
Worse, there are reports and videos of violence against those arrested, and those detained were reportedly deprived of their right to immediate access to legal counsel and to see their families. WHY?
Mga kababayan natin sila na nananawagang dinggin ng pamahalaan ang kanilang mga pangamba at hinaing. Sa demokrasya, ang dapat gawin ng gobyerno ay makinig, igalang ang kanilang karapatan at tugunan ang kanilang suliranin. Hindi dahas, hindi panghaharass at di-makatarungang pag-aresto.
Nauunawaan natin ang pangangailangan sa maayos na pagtanggap at pag-asikaso sa mga bisita, pero hindi nangangahulugan ito na isasantabi, patatahimikin at ipagkakait sa ating mga kababayan ang kanilang mga karapatan.
We strongly condemn these arrests and the disregard for protesters’ rights. We demand a thorough investigation into the reported unlawful acts committed by the arresting officers and that those responsible be held accountable.
All protesters who have been illegally detained must be released immediately!
📸 Zacarian Sarao/Inquirer, Philippine Star
Congratulations, Carmelle! 👏
Truly a powerful performance!
Maraming salamat sa pagpapakita ng talento at husay ng mga Bicolana, at sa pag-uwi ng karangalan bilang kauna-unahang kampeon ng Eurovision Asia through her winning song "Sobra-Sobra,” composed by Nica del Rosario and Mat Olavides.
Proud Oragon! Dios mabalos! 💪✨
📷 The New York Times
𝗠𝗮𝘀 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗦𝗽𝗮𝗰𝗲𝘀 𝗔𝗰𝘁, 𝗣𝗮𝘀𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮!
Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, palalakasin natin ang Bawal Bastos Law. Pabibigatin natin ang parusa sa mga pambabastos at sexual harassment batay sa kasarian. Kasama dito ang pagpaparusa sa "grooming" o pagmamanipula para makapagsamantala sa mga menor de edad.
We see this as another step closer to stronger protection for everyone, both online and offline.
This should not exempt anyone, regardless of their influence or power.
HB 11264, isabatas! ✨
Three years of freedom, and it still feels surreal. Forever grateful to the Lord and to everyone who never wavered in trusting me. 🙏
With this freedom and vindication, we will continue fighting for our advocacies. Patuloy ang ating panawagan sa paglaya ng iba pang mga political prisoners, paniningil ng pananagutan sa mga dapat managot, at paninindigang itaguyod ang hustisya sa ating bayan.
Laban lang!
This significant development in the case of Apollo Quiboloy is proof that power is fleeting and justice always catches up.
Patuloy ang pagdarasal natin ng hustisya para sa lahat ng biktima ng mga kinasasangkutang krimen at pang-aabuso ni Quiboloy sa loob at labas ng ating bansa.
Umaasa tayo na matunton na rin at mapanagot ang iba pang tumatakas sa pananagutan sa batas.
Kasabay ng panawagan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na sama-samang pagdarasal para sa ulan sa gitna ng banta ng Super El Niño, dalangin din po natin na patuloy tayong pagkalooban ng Panginoon ng tatag ng loob at kaginhawaan sa harap ng pandaigdigang krisis, mga personal na hamon, ilayo tayo sa mga sakit dahil sa matinding init, at sa mga panganib na dulot ng climate change.
Ang amin pong laging pasasalamat sa inyo Mahal na Panginoon sa patuloy ninyong gabay, biyaya at proteksyon. 🙏
📸 The Roman Catholic Archdiocese of Manila - Office of Communications Facebook Page
Investigation into reported mining activities in Mt. Pantingan, Bataan
Given the sacred significance of ancestral domains to their identity, history, culture, traditions, and livelihood, Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICC/IPs) should be properly and thoroughly consulted on any activity that may affect these areas.
Yung konsultasyon sa ating mga katutubo ukol sa kanilang ninunong lupa ay hindi pwedeng ningas-kugon lang – sisimulan o gagawin para lang masabi na tumalima sa batas, pero itutuloy pa rin ang mga proyekto kahit walang pahintulot ng komunidad.
Gaano man kalaki o kaganda ang proyekto, dapat pakinggan lagi ang mga katutubo!
Magna Carta for Commuters, isabatas! ✊
Di makatarungan kung sa araw-araw na pag-commute, kapapasok pa lang sa opisina, hindi pa nagsisimula ang klase, pagod ka na. Yung oras na pwede pa sanang ipahinga sa bahay o ilaan kasama ang pamilya, bawas na bawas sa tagal ng biyahe.
In our proposed Magna Carta for Commuters, which adopts Sen. @kikopangilinan's Senate Bill 290, we seek to establish National and Local Offices of Commuter Affairs to promote commuter welfare, coordinate mobility policies, assist the riding public, and ensure accountability.
Filipinos deserve dignified commuting. Pass HB 11765!
Amid the outrageous and heartbreaking discovery of the dumping of pet remains, we thank Luna and Furry Siblings, the Animal Kingdom Foundation (AFK), the Philippine Animal Welfare Society (PAWS), as well as the other animal welfare advocates and rescue groups who went above and beyond to uncover this scam.
Maraming salamat po sa inyong tapang na isiwalat ang bogus na cremation at aftercare facility na ito at sa inyong pambihirang dedikasyon at pagsisikap na matulungan ang mga biktima na makapagsampa ng kaukulang kaso, at mahanap ang iba pang dumping sites upang makamit ng mga biktima ang hustisya, at mabigyan ng maayos na libing ang kanilang mga alaga.
Patuloy po ang ating panawagan para sa tuloy-tuloy at seryosong imbestigasyon ukol dito at sa agarang pagpapalakas sa ating mga batas para hindi na maulit pa ang ganitong insidente, at mapanagot ang lahat ng uri ng karahasan at kawalanghiyaan laban sa mga hayop.🐾
📷 Luna and Furry Siblings, Animal Kingdom Foundation, & The Philippine Animal Welfare Society
Huwag nating tantanan ang imbestigasyon sa isyung ito hanggang makamit ng mga biktima ang hustisya. ✊
Sa inihain nating Resolusyon sa Kamara, bukod sa pagtugis at pagpapanagot sa mga promotor at lahat ng kasabwat, layunin nating palakasin ang mga umiiral na batas para hindi na maulit pa ang kademonyohang ito.
Lighted candles, flowers, and prayers for our dearly departed this All Souls' Day. 🕯🙏🏼
May we continue to honor our departed loved ones through our prayers and entrust their souls to God’s loving mercy.
Patuloy nating dalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga pumanaw, gayundin ang lakas at katatagan ng mga naulila, lalo na ng mga kababayan nating matagal nang naghahangad ng hustisya sa di-makatarungang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Isang mataimtim at payapang paggunita sa ating lahat. Ingat po sa biyahe!
Made the rounds at our family mausoleum. Paying respects to my dear father and other dearly departed members of the de Lima clan: my lolo, lola, aunts, uncles and cousins. I miss them all. May they all remain in the loving embrace of our Heavenly Father.
A solemn All Saints' Day and All Souls' Day to you all. 🕯🙏🏼
Absolutely disturbing and despicable!
Napakawalanghiya ng ginawa sa 29 furbabies na natagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.
How could they have committed such an evil act against innocent souls and the families who are grieving the loss of their loved ones? HINDI SILA MGA BASURA NA ITATAPON LANG!
Hindi nila alam, hindi nila nauunawaan ang hinagpis ng mawalan ng alagang hayop na itinuring na kapamilya. Dapat lang matukoy at mapanagot ang lahat ng nasa likod ng kademonyohang ito, at ang iba pang mga posibleng gumagawa ng ganitong krimen.
This kind of violence should never be tolerated. It will not be the last unless we implement comprehensive and stricter laws to promote and protect animal rights and welfare.
Nananawagan tayo sa ating mga kapwa mambabatas: Gawin din nating prayoridad ang pagsasabatas ng panukala nating Animal Welfare Enforcement Act at Revised Animal Welfare Act para matigil ang karahasan at higit na maipaunawa ang nararapat at makataong pagtrato sa mga hayop.
Justice for the 29 furbabies! Justice for their families!
STOP ANIMAL CRUELTY!
Isang ligtas, payapa at makahulugang Undas sa ating lahat.🕯
Kasabay ng paggunita natin sa lahat ng mga Santo at sa ating mga yumao, ang Undas ay paalala rin sa halaga ng buhay at pananampalataya, sa pagbubuklod ng pamilya, at mga aral sa bawat kuwento ng pagpanaw.
Sa pamamagitan ng tradisyong ito, napananatiling buhay ang alaala at mga aral na iniwan ng mga banal at ng mga pumanaw na patuloy nating nagsisilbing gabay.
Have a Blessed Sunday and a meaningful All Saints' Day! 🙏🏼
Congratulations on the successful inaugural session of the first Bangsamoro Parliament and the election of its first Chief Minister, along with all the officers of the regular Bangsamoro Government.
Sa harap ng maraming hamon, hangad natin ang matagumpay na pamumuno at makabuluhang paglilingkod ng Bangsamoro Government tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
📷 Bangsamoro Government Facebook Page | Settie Jehana Baunto/Morsid Kadir/Hamdan Badrudin/Faisal Camsa Jr.| BIO
Pag-alala. Paghilom. Hustisya 🙏🏼⚖️
Patuloy tayong nakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima ng pekeng War on Drugs, sa paggunita ng “Undas ng Kaluluwa at Paghilom” sa pangunguna ng Program Paghilom at ni Fr. Flavie Villanueva, SVD.
Sa panahon na humihingi ng due process ang mga nagkait nito sa libo-libong Pilipino, kasama nating naninindigan ang mga naulilang pamilya para manaig ang katotohanan at pananagutan.
Naniniwala tayo: Makakamit lamang ang tunay na paghilom kapag may hustisya at napanagot ang lahat ng nasa likod ng mga karumal-dumal na pamamaslang.
📸 Niño Jesus Orbeta, @inquirerdotnet; Maria Tan, @ABSCBNNews