TINGNAN. Ang Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ay nakikiisa sa paggunita ng Feast of the Immaculate Conception ngayong araw, ika-8 ng Disyembre 2020.
TINGNAN. Ngayong araw ng Lunes, ika-30 ng Nobyembre 2020, ay nakikiisa ang Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila sa Pagdiriwang ng ika-157 na kaarawan ng Ama ng Katipunan, Andres Bonifacio.
#BagongMaynila#RehistrongGarantisado#SimplyNoPlaceLikeManila
TINGNAN. Kasabay ng pagdiriwang ng National Filipino Family Week na ginaganap tuwing ika-apat na linggo ng Setyembre ay ang pagdiriwang ng Lungsod ng Maynila ng araw ng “Kainang Pamilya Mahalaga" kung kaya't
hinahangad ng ating Punong Lungsod, Kgg. Francisco "Isko" Moreno” Domagoso, ang mga kawani at empleyado sa buong lungsod na makauwi ng maaga upang hikayatin ang bawat empleyado na makasama ang kanilang pamilya.
TINGNAN. Isang paalala mula sa Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila. Inaanyayahan ang lahat ng mga #BatangMaynila na mag-ingat sa pagbibigay ng inyong mga personal na impormasyon at mabuting makipag-ugnayan lamang sa ating mga opisyal na Social Media Account, Hotline, o email.
TINGNAN. Ang Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila sa pangunguna ng Punong Tagapangasiwa, Atty. Chris Tenorio, kasama ang mga Division Head ng Tanggapan, ay humarap sa Budget Hearing na pinatawag ng Local Finance Committee na ginanap kahapon, ika-13 ng Agosto, 2020.
TINGNAN. Ang mga kawani at empleyado ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila sa pangunguna ng Punong Tagapangasiwa, Atty. Chris Tenorio, ay nakikiisa sa paghikayat sa ating mga #BatangMaynila sa palagiang pagsusuot ng Face Mask alinsunod sa City Ordinance No. 8627.
TINGNAN. Ang mga kawani at empleyado ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila sa pangunguna ng Punong Tagapangasiwa, Atty. Chris Tenorio, ay nakikiisa sa paghikayat sa ating mga #BatangMaynila sa palagiang pagsusuot ng Face Mask alinsunod sa City Ordinance No. 8627.
TINGNAN. Upang magbigay daan sa sanitation at disinfection, ang Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ay pansamantalang titigil sa kanilang operasyon simula bukas, ika-11 ng Agosto hanggang sa ika-12 ng Agosto.
Ang Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ay lubos na nakikiramay sa mga naulila ng isa sa mga empleyado at kapamilya ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila.
Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyong serbisyo sa Tanggapan.
Ang mga kawani at empleyado ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ay nakiki-dalamhati sa pagpanaw ng dating Senador at Punong Lungsod ng Maynila, Mayor Alfredo Lim.
TINGNAN. Narito ang ilan pang mga impormasyon para sa iba pang mga serbisyo ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ay magsisimula rin bukas, ika-4 hanggang ika-18 ng Agosto 2020.