Kala ko aatakihin ako sa puso paggising ko grabe iyak ko at sakit ng dibdib. Napanaginipan ko nanay ko at sa panaginip nayun grabe yakap at iyak ko sa nanay ko at dun ako naglabas ng sama ng loob. Pinarealize sakin ng panaginip nayun kung gaano kainportante sakin ang nanay koš„¹ā¤ļø
Makita kolang na nagagawa mo na gusto mo ng wala ako ng walang pagbabawal at masaya kana kasama ng mga kaibigan mo masaya na din ako. Siguro sign din yun ni Lord para mas makilala mo ang sarili mo at maggrow. thats enoughš
Minsan kailangan din natin respetuhin sarili natin hindi yung puro nalang awa nalang sa ibang tao kaya hindi natin nasusunod yung sarili nating desisyonāŗļø
Ang sarap sa feeling maging malaya yung tipong hindi mo na kailangan isipin yung iisipin ng ibang tao. Kaya Maging Malaya tayo sa sarili nating pagiisip
Dito ko narealize at nagawa sa japan na mabigyan naman ng oras yung sarili ko. Dati kasi hindi ako sanay lumabas ng magisa kailangan kopa ng kasama para maging masaya. Pero ngayun hindi man ganun kasaya, importante nasasanay nako maging masaya sa sarili ko ng hindi nakabase s iba
Nakakalungkot na yung mabait namin na manager sa trabaho ay mawawala na dahil need na niya mag retire. Siya pa naman yung nagtatanggol saming mga pilipino dito :<