Bandang alas-9:15 ng umaga kanina naaresto ng mga otoridad ang suspek sa Tondo, Maynila makaraang tumakas sakay ng taxi matapos ang krimen.
Nasa kustodiya na siya ngayon ng QCPD at nahaharap sa kasong double murder.
Personal na galit ang tinitignang motibo ng mga otoridad sa pamamaril ng security guard sa dalawang kapwa sekyu sa Quezon City kahapon.
Ayon kay QCPD spokesperson PCapt. Febie Madrid, bago ang krimen ay dati nang nagpang-abot at nagsuntukan ang suspek at mga biktima.
PNP acting chief PLTGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nilinaw na hihintayin muna ang resulta ng imbestigasyon bago tukuying 'suicide' ang insidente ng pagkamatay ni ex-DPWH Usec. Catalina Cabral.
Ayon kay Sec. Remulla, wala pa silang nakikitang foul play sa pagkasawi ni Cabral sa ngayon pero nagpapatuloy aniya ang kanilang imbestigasyon kung saan isasailalim din sa autopsy at dna testing ang kaniyang mga labi bilang bahagi ng kanilang pagsisiyasat.
'DEATH WILL NOT PROTECT YOU.'
ito ang babala ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa lahat ng mga akusado sa isyu ng maanomalyang flood control project.
Giit ng kalihim, hindi matitigil ang ginagawa nilang imbestigasyon dito sa kabila ng pagkasawi ni Ex-DPWH Usec. Cathy Cabral.
Ayon sa DA at CIDG-NCR, tinatayang aabot sa higit P10-million ang halaga ng naturang mga smuggled frozen goods na pawang mga walang kaukulang dokumento at hindi sumusunod sa tamang safety standards.
Matatandaang, namatayan ng anak si Dela Rosa dahil sa leptospirosis nang lumusong ito sa baha para hanapin ang kaniyang ama na ikinulong para ng mga pulis nang hindi ipinapabatid sa kaniyang pamilya.
Inanunsyo ni Napolcom VCEO, atty. Rafael Calinisan na sinibak na sa serbisyo ang mga pulis Caloocan na sangkot sa insidente ng pagsasampa ng gawa-gawang kaso sa biktimang si Jayson Dela Rosa.
Si Dela Rosa ay ikinulong ng naturang mga pulis dahil sa shop lifting pero pinalabas ng mga ito na hinuli siya ng mga otoridad dahil sa pagsusugal ng cara y cruz.
Positibong kinilala ng complainant ang mga pulis na ilegal umanong nang-aresto sa kanila sa Sampaloc, Maynila batay sa CCTV footage ng hiwalay pang insidente ng umano'y pag-aresto sa isang apartment building sa kaparehong lungsod. @DZMMTeleRadyo
Inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na maituturing na simbolo ng mas agresibo ang mga aksyon ngayon ng China ang pagdedeploy nito ng mga barkong pandigma para harangin ang ginagawang misyon ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
'WALANG LUGAR ANG KATIWALIAN SA HANAY NG PULISYA'
Ayon kay Pang. Ferdinand Marcis Jr., bukod sa mga criminal na gumagamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang masamang aktibidad ay hindi rin dapat na malimutan na kabilang sa mga banta sa seguridad ay ang mga tiwaling nasa hanay.
Kinumpirma ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer, Commissioner Rafael Calinisan na may ilang heneral ng PNP at iba pang matataas na opisyal silang sinisilip kaugnay sa imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Nananatili sa kustodiya ng silang mps ang naturang pulis na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.
Habang naisalalim na sa kaukulang medical at psychological interventipn ang biktima nitong kadete.
Iniimbestigahan na ng national police commission ang insidente ng pangmomolestiya ng isang police major sa isang kadete ng philippine national police academy .
Ayon kay napolcom vice chairperson at executive director, atty. Rafael calinisan posibleng masibak sa serbisyo ang naturang pulis kapag napatunayan ang kaniyang pagkakasala.