Bilang isang mag-aaral na may malasakit sa iba't ibang kasarian, gumawa ng online campaigns o challenges na nagti'trending sa social media na naglalaman ng edukasyunal na mensahe ukol sa kasarian.
Bilang isang kabataan at pag asa ng bayan, alin sa mga karapatang pantao ang nais mong bigyang pansin ng gobyerno at bakit?#Tweet2Speak#KarapatanMoIpaglalabanKo
Gumawa ng isang twitter post na maghihikayat sa mga pinuno ng bansa na wakasan ang makasariling ambisyon upang makamit ang SDG#16 ng United Nations at mabigyan ng pagkakataon ang mga potensyal na lider ng bansa. #Tweet2Speak#UNSDG16#IBANAMAN
Mag upload ng sariling video o audio recorded video na nagmumungkahi ng solusyon para malutas ang sigalot ng teritoryo at hangganan. #Tweet2Speak#AtinTo!#KarapatanSaKaragatan
Gumawa ng isang simple ngunit makabuluhang "Thank You Card" na magoapakita ng iyong paghanga at pasasalamat sa ating mga Bagong Bayani (OFW) para sa kanilang ginagawang sakripisyo na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. #Tweet2Speak
Gumawa ng isang appreciation post na maghihikayat sa iyong kapwa kabataan na suportahan ang isang lokal na negosyo o gawang pinoy na produkto na patuloy paring lumalaban at talaga naman maipagmamalaki sa mapanghamon na panahon ng globalisasyon.
Nais kong ipakita ang aking suporta sa Angat Buhay Foundation sapagkat sila ay may nakahandang plano para sa lahat ng sektor ng lipunan. Sila ay kumikilos upang mai-angat ang antas ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. #KaisaAko#Tweet2Speak#SabayAngatLahat
Mag-endorso ng isang aktibong NGO sa kasalukuyan na sa iyong palagay ay may malaking "impact" sa ating lipunan at nararapat lamang na suportahan ng mga mamamayan.
"Para sa pamahalaan, huwag ibaon ang mga guro sa mga trabahong hindi nila tungkulin bagkus sila ay bigyan ng buong suporta at sapat na oras na makapaghanda upang lubos nilang maibigay ang kanilang galing sa pagtuturo sa mga bata." #SulongEdukasyon#Tweet2Speak#GuroParaMagturo
Gumawa ng isang "Mungkahing Mensahe" sa pamahalaan o mga mamamayan ng kanilang dapat gawin upang makatulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa.
Tapos na ang eleksyon at kayo'y nasa pwesto na. Sana'y inyong tuparin lahat ng ipinangako sa taumbayan at maglingkod kayo ng tapat at may dangal. Kami ay PATULOY NA TITINDIG PARA SA TAMA at hindi magbubulag-bulagan kailanman. #TaumbayanAngBossNyo#Tweet2Speak#TitindigParaSaTama
Gumawa ng isang "Mensahe ng Pag-papaalala" sa mga nasa pwesto na sila ay inihalal upang magsilbi sa taumbayan at hindi upang gamitin ang kapangyarihan sa pansariling kapakanan.
#TaumbayanAngBossNyo#Tweet2Speak
Gumawa ng isang mensahe ng pagpupugay sa ating ordinaryong manggagawa na naglalaman ng maikli ngunit nakabuluhang mensahe ng pasasalamat sa kanilang dedikasyon at pagpupursige sa buhay para sa kanilang sarili at pamilya. #SaludoAkoSayo!#Tweet2Speak#ManggagawangPilipino
Hikayatin ang inyong kapwa kabataan sa pamamagitan ng isang mensahe ng paghihikayat na naglalaman ng iyong nararamdaman at nais gawin upang maibsan ang mga epekto ng climate change. Gamitin ang hashtags na #SaveThePlanet, #Tweet2Speak at iba pang posibleng hashtag.
Ang pandemiyang ito ay maituturing din na isang disaster. Kung bibigyan mo ng marka ang ating pamahalaan sa ginagawang pagtugon dito, anong marka ang ibibigay mo? Magbigay rin ng mungkahing paraan upang matugunan ang pandemiyang ito. #ProtectPhilippines#Tweet2Speak
Magbigay ng malinaw, simple, makatotohanan at malikhaing paraan kung paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Gamitin ang mga hashtag na #HelpEnvironment , #Tweet2Speak at iba pang posibleng hashtag. Salamat!