Binago ng Impeachment Court ang voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos katigan ng mayorya ng mga senator-judges ang bagong interpretasyon sa bilang ng mga botong kailangan para sa conviction.
Habang iginiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat manatili sa 16 ang kinakailangang boto batay sa kanilang pagbasa sa Konstitusyon, naninindigan naman ang korte na ang bagong ruling ay naaangkop lamang sa kasalukuyang kaso.
Paglilinaw sa batas o pagbabagong maaaring makaapekto sa magiging hatol?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#NET25NewsAndInformation #DATOS #WengDelaFuente #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #SenatePH #ConstitutionPH #RuleOfLaw #PhilippinePolitics
OCTOBER 24, UNITED NATIONS DAY!
Tuwing Oktubre 24, ipinagdiriwang ang United Nations Day bilang paggunita sa pagkakatatag ng United Nations (UN) noong 1945.
Layunin ng UN na itaguyod ang kapayapaan, palakasin ang ugnayan ng mga bansa, pangalagaan ang karapatang pantao, at magtulungan sa pagharap sa mga suliraning kinakaharap ng mundo.
Sa gitna ng mga hamon sa iba’t ibang panig ng daigdig, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat bansa upang makamit ang mas mapayapa at maunlad na kinabukasan.
#NET25NewsandInformation
#UnitedNationsDay #UnitedNations
#WorldPeace
LANY, BABALIK SA PILIPINAS! 📷
Mga ka-NET25, ready na ba kayo? I-ready na ang inyong concert outfits dahil mapapanood na ulit natin nang live ang LANY ngayong Nobyembre!
Kilala ang American pop-rock duo sa mga kantang “ILYSB,” “Malibu Nights,” at “Thru These Tears” na siguradong marami sa atin ang kabisado ito.
Sino ang ready nang maki-sing along sa bawat kanta ng LANY? 📷
📷: Live Nation Philippines
#NET25NewsandInformation #LANY
#softworldtour
#PhilippineArena
#LiveNationPhilippines
WEATHER UPDATE: Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Rosal (Champi) bandang alas-10 ng umaga ngayong Oktubre 24, ayon sa DOST-PAGASA.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 150 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Bagama’t nasa labas na ng PAR, inaasahan pa rin ang malalakas na bugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Aurora, hilagang Quezon, Polillo Islands, Bicol Region, Romblon, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental ngayong araw.
Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang bahagi ng bansa. Gayunman, nananatiling mapanganib ang paglalayag sa ilang karagatan sa Northern Luzon dahil sa malalakas na hangin at malalaking alon.
Ayon sa PAGASA, inaasahang unti-unting hihina si Rosal habang kumikilos patungo sa East China Sea.
#NET25NewsandInformation #RosalPH #WeatherUpdate
PINK DOLPHINS SA HONG KONG! 📷
TINGNAN: Alam n’yo ba na may mga pink dolphin na naninirahan sa baybaying-dagat ng Hong Kong? Kilala rin sila bilang Chinese white dolphins at kabilang sa mga nanganganib na species.
Pero sa kabila ng kakaibang hitsura nila, patuloy namang kumokonti ang kanilang bilang. Kabilang sa mga dahilan ang pagkawala ng kanilang tirahan dahil sa mga proyektong pang-imprastraktura, gaya ng pagpapalawak ng Hong Kong International Airport.
Sa survey ng pamahalaan noong 2023, 34 na pink dolphin na lamang ang naitala sa Hong Kong, kumpara sa bilang nito na 47 noong 2017.
Dahil dito, mahalagang maprotektahan ang kanilang tirahan upang makatulong na mapanatili ang kanilang populasyon.
📷: Reuters
#NET25NewsandInformation
#PinkDolphins #ChineseWhiteDolphins #WildlifeConservation #MarineLife
#HongKong
Bahagyang humina ang Typhoon Rosal habang nasa layong 420 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes, taglay ang hanging 150 km/h at pagbugsong umaabot sa 185 km/h, ayon sa PAGASA sa ulat nito alas-5 ng umaga ngayong Sabado, Oktubre 24.
Nananatili naman nakataas sa Signal No. 1 ang Batanes. Inaasahan din ang malalakas na bugso ng hangin sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Nagbabala rin ang PAGASA sa mapanganib na kondisyon ng karagatan sa Northern Luzon, kung saan maaaring umabot sa 5.5 metro ang taas ng mga alon sa Batanes.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong umaga, bago tumuloy sa East China Sea.
#NET25NewsandInformation #WeatherUpdate #RosalPH #Bagyo #Ulan
POGI O MAGANDA, MAY ADVANTAGE BA TALAGA SA BUHAY? 🤩 #HearMeOut! Face card matters nga ba? Pero real talk, totoo nga ba na ang magandang mukha ay laging may advantage? ✨
Drop your answer! 👇
https://t.co/PnNg86DZk1
PIA GUANIO-MAGO’S BIRTHDAY GIFT? GROCERIES PARA SA IBA! 🛒🎁
#MainFeed!
Hakot ng groceries, hatid ay saya! Panoorin ang ultimate birthday hakot na ito! 🎉💖
https://t.co/GrM63Qj8lE
PINK TAX: BAKIT NGA BA MAS MAHAL ANG PRESYO KAPAG PARA SA BABAE? 🤔️ #MainFeed!
Ikaw, nakapansin ka na ba ng ganitong price difference sa mga produkto? 👀️ Share your thoughts!👇️
https://t.co/HC63khlFp6
Tinatayang mahigit anim na milyon na ang mga pekeng PWD ID, ayon kay Atty. Walter Alava, tagapagsalita ng National Council on Disability Affairs (NCDA). Aniya, isa sa mga nakikitang dahilan ng paglaganap ng mga pekeng ID ang pagkakaiba-iba ng sistema ng pag-isyu ng PWD ID sa bawat LGU.
| Ano Sa Palagay N’yo?
https://t.co/MZoxOLqTg6
Naglunsad ng tatlong araw na “Pig Holiday” protest ang mga hog raiser bunsod ng patuloy na pagkalugi sa industriya. Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, kabilang sa mga pangunahing hamon sa sektor ang profiteering at labis na pag-aangkat ng baboy.
| Ano Sa Palagay N’yo?
https://t.co/z76VpmEl8k
BREAKING NEWS: Nagsumite ng courtesy resignation si Palace Press Officer Claire Castro kasama ang iba pang opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) kasunod ng pagbabago sa pamunuan ng ahensya.
Gayunman, kinumpirma ni PCO Secretary Lino Cayetano na mananatili si Castro sa kanyang puwesto at inilarawan pa siya na isa umanong “treasure.”
#NET25NewsandInformation
#ClaireCastro #PCO #PhilippineGovernment
Hihigpitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang seguridad sa mga pumping station sa bansa at magtatalaga ng karagdagang tauhan ng Philippine Coast Guard kasunod ng pagnanakaw ng mga piyesa at kable sa Diokno Pumping Station sa Pasay City.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, muntik nang maapektuhan ang operasyon ng pasilidad dahil sa mga ninakaw na circuit at iba pang piyesa. Kung hindi umano ito agad naagapan at naayos, posibleng magdulot ito ng pagbaha sa Pasay hanggang Roxas Boulevard.
Tiniyak ni Dizon na papalitan ng contractor ang mga nawawalang piyesa nang walang gastos sa pamahalaan. Binigyang-diin din ng kalihim na hindi dapat malagay sa peligro ang publiko dahil sa mga aberyang dulot ng pagnanakaw sa mga pumping station.
📷: DPWH
#NET25NewsandInformation #DPWH #FloodControlProject #floodcontrol #flooding
Itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na utak umano sa tangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱3.5 bilyon mula Laos patungong Pilipinas ang dating Bangsamoro parliament member na si Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang.
Ayon sa PDEA, si Rimbang umano ang nagplano at nagpondo sa pag-charter ng pribadong eroplano na nasabat sa Laos. Patuloy ang imbestigasyon sa kanyang mga posibleng kasabwat at koneksiyon sa international drug syndicate.
#NET25NewsandInformation #PDEA #IllegalDrugs #Laos
Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Santa Ignacia, Tarlac, matapos umanong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang pulis na poseur-buyer.
Narekober sa suspek ang marked money na nagkakahalaga ng ₱500. Dinala siya sa custodial facility ng himpilan habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dadalhin naman sa Crime Laboratory sa Camp Macabulos, Tarlac City, ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri. | via Ismael Mateo
#NET25NewsandInformation #CrimeNews #Crime #illegalActivities #drugaddiction #investigation
NFBM, TUMUTOL SA REHABILITASYON NG BATAAN NUCLEAR POWER PLANT
TINGNAN: Nagprotesta ang Nuclear Free Bataan Movement (NFBM) sa pagdating ng mga kalahok sa supply chain forum na inorganisa ng Department of Energy (DOE) sa Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, Bataan.
Ayon sa grupo, hindi dapat isakripisyo ang kaligtasan ng mga komunidad at ang kalikasan sa paghahanap ng mas murang kuryente. Iminungkahi rin nitong pag-aralan ang renewable energy bilang alternatibo sa pagtugon sa pangangailangan sa kuryente. | via Larry Biscocho
#NET25NewsandInformation #BataanNuclearPowerPlant #RenewableEnergy
Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na maaaring umabot sa ₱20 bilyon ang pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa inaasahang Super El Niño, na posibleng makaapekto sa 350,000 ektarya ng lupain. Dahil dito, nanawagan ang Senado na ideklara ang state of national calamity upang mapabilis ang pagtugon sa epekto ng matinding tagtuyot.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaaring malampasan ang ₱16 bilyong naitalang pagkalugi noong El Niño taong 2023–2024. Posible ring maapektuhan ang 2.8 milyon hanggang 4.8 milyong magsasaka at mangingisda, habang maaaring bumaba ng 700,000 hanggang isang milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay.
Pinabibilis na ng DA ang mga hakbang upang matiyak ang supply ng tubig para sa irigasyon, kabilang ang paggamit ng solar-powered pumps, pagtatayo ng maliliit na imbakan ng tubig, at pagpapalalim ng mga palaisdaan. Samantala, magsasagawa ang Senado ng pagdinig hinggil sa kahandaan at mga hakbang ng pamahalaan laban sa El Niño.
#NET25NewsandInformation #DPWH #DepartmentofAgriculture #DA #SuperElNino #tagtuyot #agridamage
BATA PA LANG, MAHILIG NANG MAGLUTO! NGAYON, MAY MASARAP NA MISUA RECIPE NA WITH DODRAM LUNCHEON MEAT! 🍜
Ipinakita ni Mila Rodriquez Panti, kung paano gawing mas masarap at exciting ang misua dish gamit ang Dodram Luncheon Meat—isang simple, sulit, at masarap na ulam para sa buong pamilya! 🤤
#NET25 #NET25Entertainment #TonipetGaba #LoveAñover #DodramLuncheonMeat #Food
https://t.co/qJryvHxnoH
23 YEARS SA LEBANON BILANG INTERNATIONAL TENNIS COACH, NGAYON AY NAGTUTURO NA SA BATASAN! 🤩 Alamin ang #KuwentongKabarangay ni Mark Anthony “Coach Nio” Villegas, dito sa #LoveTonipetAndEverythaaang, isang 23 years nang certified international tennis coach at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa tennis! 👏🎾
#NET25 #NET25Entertainment #TonipetGaba #LoveAnover #Tennis #Coach
https://t.co/owtbBGnuEd