Maligayang araw ng Sabado,
February 1, sa inyong lahat
Heart's Month na! Single ka man o may love life, importante sa bawat isa na pangalagaan ang ating mga puso.
Happy weekend! Mag-iingat po tayong lahat.
#SenatorBongGo#MrMalasakit#BisyoAngMagSerbisyo#GoBongGO🇵🇭👊🏼
Maligayang araw ng Ling-GO,
February 2, sa inyong lahat!
Kamusta po kayo? Nawa'y maging mapagpala ang unang Linggo sa buwan ng Pebrero.
Have a very blessed Sunday po. Mag-iingat po tayong lahat.
#SenatorBongGo#MrMalasakit#BisyoAngMagSerbisyo#GoBongGO🇵🇭👊🏼
MAGNA CARTA OF BARANGAY HEALTH WORKERS, APRUBADO NA SA IKATLO AT HULING PAGBASA SA SENADO
Nitong February 3, sa wakas ay naipasa na sa third at final reading sa Senado ang Senate Bill 2838 o Magna Carta for Barangay Health Workers! Matagal ko itong ipinaglalaban, ang karapat-dapat na pagkilala at benepisyo para sa ating Barangay Health Workers (BHWs).
Sa ilalim ng panukala, ako po ang author at co-sponsor nito, magkakaroon na ng buwanang honorarium, transport allowance, hazard pay, insurance, at iba pang benepisyo ang ating BHWs na matagal nang nagsasakripisyo para sa ating kalusugan.
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagSerbisyo
#GoBongGo📷📷
Taus-puso ang aking pasasalamat sa patuloy na suporta at tiwala ninyo sa aking pagseserbisyo.
Kung papalarin at mabibigyan ako ng bagong pagkakataong maglingkod sa bayan at maging representante ninyo sa Senado, lalo kong sisipagan ang pagseserbisyo sa kapwa ko Pilipino sa abot ng aking makakaya.
Sipag, malasakit at more serbisyo ang maiaalay ko sa inyo dahil bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos!
-- Senator Bong Go
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagSerbisyo
#28GoBongGo📷📷
Salamat sa Supreme Court dahil tinatalakay na ngayon ang isyu sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth.
Bilang Chair ng Senate Committee on Health, tinutulan ko ang pag-transfer ng PhilHealth fund sa national government para magamit diumano sa priority public projects and programs.
Ang pondo ng PhilHealth ay para sa health kaya dapat lang gamitin sa pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino!
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagserbisyo
#28GoBongGo 🇵🇭👊🏻
TIYAKIN ANG KALIGTASAN NG ATING MGA KABABAYAN NGAYONG NAKATAAS ANG ALERT LEVEL NG MOUNT KANLAON
Sa patuloy na pagiging aktibo ng Mount Kanlaon, nananawagan ako sa mga lokal na lider ng Negros Island Region na panatilihing bukas ang kanilang mga opisina para sa publiko.
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagserbisyo
#28GoBongGo👊🏼🇵🇭
SAPAT NA ANG SKILLS AT EXPERIENCE PARA MAGKA-COLLEGE DEGREE!
Batas na ang Republic Act No. 12124 o ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act na magkakaloob ng college o undergraduate degree sa mga hindi nakapagtapos ng kolehiyo subalit marami nang karanasan sa trabaho. Ako ang Co-author ng batas na ito habang si Senator Joel Villanueva naman ang principal sponsor at author ng naturang batas.
Maraming Pilipino ang hindi nakapagpatuloy ng kolehiyo dahil kailangang maghanapbuhay agad para sa pamilya. Pero hindi ibig sabihin noon na wala na silang sapat na kaalaman at kasanayan. Dito pumapasok ang batas na ito—kung may sapat kang karanasan at husay sa isang larangan, maaari mo nang makuha ang diploma na makakatulong sa iyo sa trabaho at promosyon.
Kailangan lang ay may five years na relevant industry experience at makapasa sa assessment. Tututukan ng Commission on Higher Education (CHED) ang programa at siyang pipili ng higher education institutions (HEIs) na magga-grant ng equivalency-based degrees sa aplikante.
Hindi lang ito tungkol sa diploma; ito ay tungkol sa pagbibigay ng pantay na oportunidad sa bawat Pilipino na umasenso. Kapag mas maraming manggagawa ang may pormal na pagkilala sa kanilang kakayahan, mas lalakas ang ating ekonomiya.
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagserbisyo
#28GoBongGo 📷📷
UNAHIN MO ANG PILIPINO!
Palaging paalala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa akin na unahin ang kapakanan ng Pilipino.
Kaya naman sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ni Tatay Digong, hindi ako titigil sa pagtatrabaho at pagseserbisyo.
#SenatorBongGo#MrMalasakit
#BisyoAngMagserbisyo
#28GoBongGo🇵🇭👊🏼
BANTAYAN NATIN!
Ngayong gabi ay haharap na sa ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi kami bibitaw at hindi kami titigil sa pagdadasal, Tatay Digong.
#BringPRRDHome
Magkita-kita po tayo sa Liwasang Bonifacio ngayon, at ipakita natin ang pagsuporta natin kay Tatay Digong.
Sama-sama tayong manalangin para sa kanyang kaligtasan at kalusugan.
#BringPRRDHome
MAGBIGAY-PUGAY TAYO SA ATING SOCIAL WORKERS! HAPPY SOCIAL WORK DAY!
Ngayong World Social Work Day, kilalanin at pasalamatan natin ang mga social workers na buong puso ang dedikasyon at pagmamalasakit sa kanilang kapwa Pilipino.
Saludo ako sa kanilang pagtulong na maihatid sa mga kababayan natin ang serbisyong panlipunan, lalung-lalo na sa mga social workers natin na tumatao sa Malasakit Centers at mga medical social workers na tumutugon sa medikal na pangangailangan ng ating mga kababayan na mahihirap.
Hindi maikakaila ang importansiya ng kanilang serbisyo para sa ikauunlad ng mga komunidad, tahanan, at indibidwal. Ang kanilang ginagampanang tungkulin ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagmamahal at pakikipagkapwa.
Mabuhay ang lahat ng social workers!
"MAGKAISA TAYO PARA KAY TATAY DIGONG."
Nanawagan ako na maging mahinahon ang bawat Pilipino at magkaisa para kay Tatay Digong. importante muna ang kalusugan, kaligtasan, at kalayaan ni Tatay Digong.
Gayong ang Pilipino ay nangungulila sa kanilang Tatay, huwag kalimutan na manalig para sa kanyang kaligtasan at ipakita lamang natin ang patuloy na pagmamahal sa kanya kahit na malayo siya sa bansa.
#BringPRRDHome
#BringHimHome
Maraming salamat po sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo sa suporta at pagmamahal sa kapwa Pilipino.
Salamat sa pagiging matatag at patas sa paninindigan.
Sa ganitong panahon ng kaguluhan at pagdududa, napakahalaga ng mga boses na naninindigan para sa batas at kapayapaan.
Unahin po natin ang kapakanan ng mga Pilipino at ipaglaban ang interes ng bayan.
Ang kailangan natin ngayon ay pagkakaisa at pagkilala sa proseso ng ating batas. Meron naman tayong mga korte na nananatiling malaya at functional.
At sa kabila ng mga hamon ng panahon dala ng pagkakaiba ng opinyon dahil sa mga nagaganap sa ating bansa, dalangin ko na hindi tayo magkawatak-watak. Dalangin ko na mananaig ang kapayapaan, pagmamahalan at malasakit sa isa't isa.
At dalangin ko na magkaroon ng hustisya at pagsunod sa mga proseso na naaayon sa ating mga batas.
Muli, maraming salamat po sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo sa suporta at pagmamahal sa kapwa Pilipino.
###
KUWENTONG MALASAKIT | Sariwa pa ang sugat sa puso ni Barangay Captain Adam Malate, taga-Pili, Camarines Sur.
Taong 2023 kasi noong biglang pumanaw ang kanyang anak na si Gretchen Malate Badong. Hindi matanggap ng pamilya Malate ang biglaang pagkawala ng kanilang panganay na anak. Sumabay pa ang halos PhP 90,000 na hospital bills na kahit sa ilang taong pagiging lingkod bayan ni Captain Malate ay hindi niya mahuhugot sa kanyang bulsa.
Mabuti na lamang at may programang Malasakit Center. Isa itong one-stop shop na sinimulan ni Senator Bong Go.
Kahit papano ay humupa ang pangamba ng pamilya Malate dahil may programang nagmalasakit sa kanila.
Muli po akong nagpapasalamat nang taos-puso sa ating mga kababayan sa patuloy na tiwala sa aking kakayahang paglingkuran ang bayan.
Sipag, malasakit, at more serbisyo po ang maiaalay ko sa kapwa nating Pilipino. Hindi ko po sasayangin ang inyong tiwala at wala po akong sasayanging oras. Unang araw pa lang po ng termino ko ay serbisyo sa Pilipino na po ang aking ginagawa.
Asahan po ninyo na mangunguna din sa aking puso't isipan ang pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit. Patuloy kong isusulong ang mga pro-poor na mga batas at programa para ilapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan lalong-lalo na sa mga mahihirap na pasyente.
Kahit na malungkot tayo ngayon dahil sa nangyayari sa ating Tatay Digong, palagi kong tinatandaan ang payo niya sa akin:
“Just do what is right. Unahin ang interes ng bayan. Unahin ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap, at hinding hindi ka magkakamali.”
#28GoBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagSerbisyo 👊🏼🇵🇭