TROPICAL STORM QUEENIE UPDATE (SEPT. 24, 5 P.M.)
Napanatili ng Tropical Storm #QueeniePH ang lakas nito habang kumikilos sa Philippine Sea, base sa DOST-PAGASA update ngayong Huwebes, Sept. 24, 5 p.m.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,205 km silangan ng Northern Luzon. May lakas itong hangin na 75 km/h at bugsong umaabot sa 90 km/h. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signals sa bansa.
Base sa forecast, lalakas ito sa typhoon category sa Linggo bago lumabas sa Philippine area of responsibility sa Lunes.
📷: DOST-PAGASA