Sunod-sunod ang mga kaso, suspensyon, at pag-aresto sa ilang personalidad na kilalang kritiko ng administrasyon at malalapit sa kampo nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Harassment laban sa oposisyon, o lehitimong pagpapatupad lang ng batas?
Habang dumarami ang mga nagsasabing may “chilling effect” na sa malayang pagpapahayag, lumalakas din ang tanong ng ilan: Martial Law na ba ito—o normal pa ba na pagpapatupad ng batas?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#NET25NewsAndInformation #DATOS #WengDelaFuente
#PhilippinePolitics #FreedomOfSpeech #RuleOfLaw
'PAG IBINIBIGAY ANG LAHAT NG GUSTO MO, SPOILED NA BA ANG TAWAG DOON?
#MayPoint!
Lahat tayo, gusto ng pagmamahal mula sa ating mga magulang.
Pero ano nga ba ang dating nito sa iba kung laging pinagbibigyan ang bawat hiling o pangangailangan mo?
Para sa ‘yo, ano ang sign na mahal kang tunay ng parents mo at hindi ka lang spoiled?
Mag-comment na, dali!!!
https://t.co/QtDln17SGh
Ipinagpaliban muna ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., na dapat ay gaganapin sa Setyembre 2026.
Ayon sa kampo ni Pacquiao, nahaharap ang kampo ni Mayweather sa "federal lawsuits, scheduling overbooks, and financial gridlock."
Ikinadismaya rin ni Pacquiao ang sinabi ni Mayweather na “exhibition” ang kanilang laban. Dagdag niya, dapat tandaan ni Mayweather na totoong rematch ang kanilang gagawin batay sa nilagdaang kontrata.
📷: Netflix
#NET25NewsandInformation #Pacquiao #Mayweather #Rematch
DATE WITH KI-JOO 🏵
TINGNAN: Nagbahagi si Jin Ki-joo, ang "Teach You A Lesson" star na gumanap bilang Im-Han-rim, ng cute snaps habang sinusulit niya ang kaniyang day-off.
📷: Ki-joo/Instagram
#NET25NewsandInformation#TeachYouALesson#kdrama#korean#korea
WEATHER UPDATE: Walang namomonitor na low pressure area (LPA) sa bansa matapos makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong #GardoPH, batay sa latest monitoring update ng PAGASA.
📷: PAGASA
#NET25NewsandInformation#LPA#PAGASA
TINGNAN: Tiniyak ng Ateneo de Manila University na makikipagtulungan sila sa magiging imbestigasyon ng iba pang mga ahensya hinggil sa pagkasawi ng dalawa nilang basketbolista.
Ito'y matapos irekomenda ng DILG sa DOJ na sampahan ng mga kaukulang kaso ang ex-Ateneo head coach na si Tab Baldwin at 10 iba pa.
Nangako naman ang Ateneo na tutulungan ang mga pamilya ng nasawing biktima na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
📷: ADMU
#NET25NewsandInformation #Ateneo #ADMU #BlueEagles
NEWS UPDATE: "Out of danger" na ang isa sa mga nasugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, ayon sa Department of Education Region VIII.
Patuloy itong nagpapagaling sa ospital.
📷: DepEd Region VIII
#NET25NewsandInformation#Tacloban#Shooting
POV: NATUPAD ANG DRAWING NG BARKADA 😎
TINGNAN: Ibinahagi ng Korean star na si Hyeri ang kanilang vacation snaps kasama sina Jisoo ng BLACKPINK upang ipagdiwang ang kaarawan ng model-actress na si Ho-yeon.
📷: Hyeri/Instagram
#NET25NewsandInformation#BLACKPINK#JISOO#Hoyeon #hyeri
Naitala na ng France ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng Ebola virus sa bansa matapos magpositibo ang isang doktor na bumiyahe mula sa Democratic Republic of Congo.
Agad na in-isolate ang pasyente pagdating sa Paris at nasa stable nang kondisyon.
Limang pasahero ang isinailalim din sa precautionary isolation habang patuloy ang contact tracing ng mga awtoridad.
#NET25NewsandInformation #Ebola #virus #outbreak #france
BIKTIMA NG TACLOBAN SHOOTING, TINAGURIANG "PRIDE OF PAMPANGA"
TINGNAN: Kinilala bilang “Pride of Pampanga” si Chris Lorenz Tanglao Fabian, isa sa mga estudyanteng nasawi, matapos protektahan ang kaniyang mga kaklase sa pamamaril sa San Jose National High School, Tacloban City.
Sa pamamagitan ng Resolution No. 10319, kinilala si Fabian dahil sa ginawa niyang pagsasakripisyo para sa kaniyang mga kaklase at mga guro nang mangyari ang malagim na insidente.
Tubong Pampanga ang pamilya ng nasawing estudyante.
📷: Pampanga PIO
#NET25NewsandInformation #Pampanga #ChrisFabian #Tacloban
NEWS UPDATE: Sinentensyahan ng pitong taong pagkakakulong ang dating South Korean first lady na si Kim Keon-hee kaugnay ng kasong bribery. #NET25NewsandInformation#SouthKorea#KimKeonHee
Naglabas ang Korte Suprema ng commemorative beep cards at single journey tickets bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo nito.
Ipinamahagi ang mga card sa LRT-1 Dr. Santos Station sa first come, first served basis, habang maaari rin itong mabili sa halagang ₱167 sa kauna-unahang Supreme Court Gift Shop sa Maynila.
📷: Supreme Court of the Philippines
#NET25NewsandInformation #SupremeCourt #KorteSuprema #LRT #beepcard #singlejourney
SOFT LAUNCH, JAEHYUN?
TINGNAN: Usap-usapan ngayon ng PH-NCTzen kung nag-softlaunch ba ng kaniyang girlfriend ang NCT member na si Jaehyun.
Ibinahagi rin ni Jaehyun ang ilan niyang larawan mula sa kaniyang vacation get-away.
📷: Jaehyun
#NET25NewsandInformation#Jaehyun#NCT #JungJaehyun
QUICK BEACH TRIP, DAHYUN? 🏖
TINGNAN: Ibinahagi ng TWICE girl group member na si Dahyun sa mga ONCE ang mga larawan habang siya ay nasa tabing-dagat sa kaniyang beach trip.
📷: Dahyun/Instagram
#NET25NewsandInformation#TwiceAsNice#oncefandom#kpop#korean
BASAHIN: Nagbigay ng inspirational message si Joshua ng SEVENTEEN sa UNESCO sa Paris, France.
Bilang UNESCO Goodwill Ambassador for Youth, sinabi niya na patuloy nilang gagamitin ang kanilang boses at musika upang hikayatin ang mga kabataan na maniwala sa kanilang mga pangarap.
"Never let anyone, including yourself, belittle your dream," saad ni Joshua.
📷: UNESCO
#NET25NewsandInformation #Joshua #SEVENTEEN #UNESCO #GoodwillAmbassador #Youth #Paris #SVT #CARATs
Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsasampa ng 44 na kasong tax evasion laban sa grupong "BGC Boys" o Bulacan Group of Contractors dahil sa hindi nabayarang buwis na umabot sa P1.68 bilyon.
Kabilang sa mga inirerekomendang kasuhan sina dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Jaypee De Leon Mendoza, dating First District Engineer Henry Alcantara at dating First District Engineer Brice Ericson Hernandez, na nasangkot sa umano'y maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ayon sa BIR, lumabas sa lifestyle check na hindi tugma ang kanilang idineklarang kita sa kanilang aktuwal na ginagastos.
#NET25NewsandInformation #BIR #DOJ #BGCBoys #floodcontrol #taxevasion
Umabot ng 287 lindol ang naitala sa karagatan ng Bolinao Pangasinan mula noong May 27, 11:15 a.m. hanggang Hunyo 26, 7 a.m., na nasa pagitan ng 1.8 hanggang 5.1 ang magnitude, ayon sa PHIVOLCS.
Patuloy na nagbabantay ang ahensya sa earthquake swarm o sunod-sunod na lindol na nangyayari sa iisang lugar sa loob ng maikling panahon.
📷: PHIVOLCS
#NET25NewsandInformation #PHIVOLCS #Pangasinan #Bolinao #earthquakeswarm #lindol #earthquake
Inirekomenda na ng DILG sa DOJ na sampahan ng kasong Anti-Hazing Act sina ex-Ateneo head coach Tab Baldwin at sampung iba pa dahil sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Kabilang dito sina:
- Grant Dearns, strength and conditioning coach
- Caesar Vincent Javellana Elumba, strength and conditioning coach
- Dean Caesar B. Castaño, assistant coach
- Sandro Nicholas Romero Soriano, assistant coach
- Reynaldo C. Jacinto Jr., assistant coach
- Paolo Manuel Maceda Adevoso, student manager
- Andrew Lorenzo Bondoc Salud, student manager
- John Eric Quiambao Rueca, physical therapist
- Aris Ramos Pronce, utility/ball boy
- Joel Palmiano Rapa, utility/ball boy
Natuklasan sa imbestigasyon na isinailalim ang mga basketball-athletes sa matinding physical activities, punishment exercises, at sea-based training. Dahil dito, maaari umano itong ituring bilang hazing, ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
📷: ADMU
#NET25NewsandInformation #ADMU #Ateneo #ReneBaterbonia #DivineAdili
Walang balak na dumalo kahit pa via Zoom meeting ang developer ng online game na GoreBox na si Felix Filip, ayon sa Senado.
Hihingi naman ng tulong ang Senado sa German Embassy upang mapadali ang partisipasyon ni Filip sa nakatakdang Senate hearing sa Hulyo 1 patungkol sa naturang online game.
Binigyang-diin din ng Senado na lahat ng mga online company na nais mag-operate sa bansa ay dapat galangin ang batas ng Pilipinas.
Matatandaang, lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na lulong sa larong GoreBox ang isa sa mga estudyanteng namaril sa Tacloban na ikinasawi ng tatlo nilang kamag-aral.
📷: GoreBox
#NET25NewsandInformation #Tacloban #School #Violence
PANOORIN: Pinagbabaril ang isang estudyante ng di pa nakikilalang suspek malapit sa Kolehiyo ng Pantukan habang isinasagawa ang graduation rites, sa Barangay Kingking, Pantukan, Davao De Oro kahapon, Hunyo 25.
Palabas na sana ng venue ang biktima nang biglang pagbabarilin ng suspek. Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyaring insidente. | via Ely Dumaboc
📹: Jam-Nor Sarip
#NET25NewsandInformation #shooting #pamamaril #education #safety #security