Di lahat maiintindihan ka —
at ‘wag mong pilitin.
Hindi tungkulin ng puso mo
na ipaliwanag ang bawat pintig
sa mundong pipikit lang din.
Ganyan talaga ang buhay.
Hindi laging makatarungan,
Hindi laging maunawain —
kaya’t piliin mong manatiling totoo,
kahit wala sila maintindihan