Sang-ayon ka ba na dapat nang dagdagan ang sahod ng mga guro?
Inihain natin ang House Bill 7649 para sa ₱15,000 across-the-board salary increase ng public school teachers at non-teaching personnel.
Kailangan ito lalo na ngayong balik-eskwela, kung kailan lumalabas ang mga ulat ng gurong napipilitang mag-abono para lang matugunan ang pangangailangan ng kanilang klase.
Dagdag sahod ang kailangan, hindi dagdag abono sa pagkukumpuni ng paaralan. Like and share para suportahan ang ating panukala.
Sinagot tayo ni Meralco SVP Ronald Valles kahapon. Giit niya, legal na singilin sa consumers ang "pass through costs" tulad ng Lifeline at Senior Discounts.
But he missed our point: Kung bilyon-bilyon ang kita ng Meralco, makatarungan lang na mas tumulong sila magpababa ng singil—hindi laging consumers at taxpayers ang pumapasan.
Panahon na para repasuhin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at ang rules ng Energy Regulatory Commission (ERC) para masiguro na ang sistema ng kuryente ay hindi lang legal, kundi patas at para sa kapakanan ng taumbayan.
Comment and share para marinig ang boses natin!
VP SARA, SEE YOU IN THE IMPEACHMENT COURT
Sa hearing ng House Committee on Justice ngayong araw, bumoto tayo na may "probable cause" o sapat na batayan na umusad ang Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Nakita natin ang ebidensya, narinig ang testimonya, at higit sa lahat, nabigyan ng pagkakataon si VP Sara na humarap at magpaliwanag, ngungit hindi siya sumipot.
Public office is a public trust. Kahit ang mga pinakamataas na opisyal ay pananagutan sa taumbayan.
Comment and share kung naniniwala kang dapat harapin ni VP Sara ang kaso at manaig ang katotohanan!
THIS “ANTI-DYNASTY” BILL IS A PRO-DYNASTY BILL!
Malinaw sa deliberasyon ngayong araw sa plenaryo, sa inilalatag nilang House Bill 8389, pinapayagan pa rin ang sabay-sabay na paghawak ng kapangyarihan ng magkakamag-anak sa maraming antas ng gobyerno.
Ibig sabihin, puwedeng sa iisang pamilya may President, Congressperson, Governor, Mayor, at Punong Barangay nang sabay-sabay.
Wag natin hayaang pumasa nang hindi naiaayos. Like and share kung naniniwala kang kailangan ng TUNAY na Anti-Dynasty Law—walang butas, walang lusot!
Ito ang problema ng maraming mambabatas.
Hindi nila alam ang batas. Our lawmakers are the law breakers.
Mula sa Bawal Bastos Law hanggang sa Anti-Plunder Act o Anti-Graft & Corrupt Practices Act. Kaya bastos na, ang marami - magnanakaw pa.
BAWAL ANG EPAL SA MGA AYUDA!
Sa pagdinig ngayong linggo ng House Committee on Human Rights tungkol sa Right to Adequate Food Bill, isinusulong natin ang probisyon na magbabawal sa political branding sa food aid.
Share this video kung sang-ayon kayo!
Wala na nga sa national politics pero si FVPLeni eh naka- rent free pa din sa utak ng mga bobong DDS. Alam kase nila na pag ito nagpasya na tumakbo ulit sa mas mataas na posisyon may tulog talaga yung idol nilang BOBO na nga eh magnanakaw pa.