REWIND, REPLAY, RELIVE! ⏰️⏳️
Mula soft opening hanggang last day ng International Media Center, balikan ang hustle, teamwork, at mga behind-the-scenes moments na naging bahagi ng matagumpay na media coverage ng 49th ASEAN Summit and Related Summits. Tara, recap tayo! #PIA
YAMANG LIKAS, SUSI SA MATATAG NA KINABUKASAN ⛏️
Isinusulong ng ASEAN ang responsableng paggamit ng critical minerals upang palakasin ang industriya, lumikha ng trabaho, at pangalagaan ang kalikasan at mga komunidad.
#ASEANPH2026#BagongPilipinas#ISM#IntegratedStateMedia
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Ming Yang Smart Energy Group sa sidelines ng #APEC2026 sa China upang talakayin ang planong pamumuhunan sa offshore wind energy na magpapalakas sa suplay ng kuryente at lilikha ng trabaho at oportunidad sa bansa. #ISM#PIA
🌲🌏Sa pamamagitan ng ASEAN One Billion Trees Growing Initiative, isinusulong ang pagtatanim ng puno, pagpapanumbalik ng kagubatan, at pangangalaga sa mahahalagang ekosistema upang palakasin ang climate resilience at biodiversity sa rehiyon.
#ASEAN2026PH#ISM#PIA
Nakatakdang maglaan ang C&U Group ng US$87 milyon para sa manufacturing facility sa Batangas, kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos. Inaasahang magpapalakas ito sa lokal na industriya at lilikha ng trabaho para sa mga Pilipino. 🇵🇭
#BagongPilipinas#ISM
BYD at Pilipinas, palalakasin ang EV industry! ⚡🇵🇭
Nakipagpulong si @bongbongmarcos sa BYD sa #APEC2026 upang palawakin ang oportunidad sa negosyo at trabaho, kasabay ng pagsusulong ng makabago at eco-friendly na transportasyon.
#BagongPilipinas#PIA
ICYMI | Nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos kay Papua New Guinea Prime Minister James Marape sa APEC sa China upang palakasin ang kooperasyon sa enerhiya, turismo, fisheries, at port infrastructure, na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo para sa mga Pilipino.
Tinalakay nina Pangulong @bongbongmarcos at Peruvian President Keiko Fujimori sa kanilang bilateral meeting sa APEC 2026 ang pagpapalakas ng kalakalan, pangangalaga sa kalikasan, at kahandaan sa sakuna para sa kapakinabangan ng dalawang bansa.
#APEC2026#BagongPilipinas#PIA
Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Donald Trump ang matagal nang pagkakaibigan at alyansa ng Pilipinas at United States, tungo sa mas ligtas, mapayapa, at maunlad na kinabukasan ng dalawang bansa.
#BagongPilipinas#IntegratedStateMedia
🤝 50 YEARS OF PARTNERSHIP, ONE SHARED FUTURE!
Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Donald Trump ang matatag na ugnayan ng ASEAN at United States tungo sa mas ligtas, maunlad, at makabagong rehiyon.
#ASEANPH2026#BagongPilipinas#ISM
Sa turnover ng ASEAN Chairship mula Pilipinas patungong Singapore, kinilala ang matagumpay na pamumuno ng bansa sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, at mas malawak na oportunidad para sa mamamayan, tungo sa mas matatag at maunlad na rehiyon.
#ASEAN2026PH
Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang mas malawak na kooperasyon sa depensa, seguridad, ekonomiya, enerhiya, at pagpapaunlad ng mahahalagang imprastraktura. 🤝🇵🇭🇯🇵
#ASEANPH2026#BagongPilipinas#ISM
PINATATAG NA UGNAYAN NG PILIPINAS AT AUSTRALIA
Muling pinagtibay nina Pangulong @bongbongmarcos at Prime Minister Anthony Albanese ang pagtutulungan ng dalawang bansa para sa kapayapaan, seguridad, kalakalan, at kaunlaran. 🤝🇵🇭🇦🇺
#ASEANPH2026#BagongPilipinas#ISM
Isinusulong ng Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang para sa mas ligtas, matatag, at handang ASEAN sa harap ng mga hamon ng panahon. 🌏
#ASEANPH2026#BagongPilipinas#IntegratedStateMedia#ISM