PLM is a people's org of various urban poor communities & homeless families in the Philippines advancing the right to decent & affordable public housing
Ang panre-redtag sa PLM at pagbansag sa mga gaya nating organisasyong masa bilang terorista ay galawan ng isang duwag na gobyernong ayaw harapin ang katotohanang marami ang naghihirap at patuloy na dumaranas ng kagutuman.
Full statement: https://t.co/39kyxto7X5
@QCMayorJoy mula nang itayo ni Ramon Ang ang Skyway sa Araneta, lalong lumubog sa baha ang Tatalon. Kung talagang for good governance ka, huwag mong isakripisyo ang buhay naming maralita para sa tubo ni Ramon Ang.
MAYOR JOY 🤝 RAMON ANG
Magtutulungan sina Mayor Joy Belmonte at San Miguel Corporation Chairman and CEO Ramon S. Ang upang tugunan ang pagbabahang nararanasan sa Lungsod Quezon.
Tinalakay sa pulong ang planong pagtatayo ng Detention Basin sa G. Araneta Avenue, paglalagay ng stormwater storage tunnel system, at dredging works sa creeks at waterways sa QC.
Kasama ng Alkalde sa meeting sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte at City Engineer Atty. Dale Perral.
Ang pagbaha at sakuna ay hindi kasalanan ng mamamayan. Ito ay bunga ng ganid na interes ng estado—estado na nagpapalayaw sa malalaking negosyo, pinapatag ang mga bundok, winawasak ang mga dalampasigan para sa reklamasyon, at sinasakripisyo ang mga maralita sa ngalan ng tubo.
Halos isang taon na mula nang manalasa ang Bagyong Karina—ilang bagyo na rin ang dumaan mula noon—pero hanggang ngayon, wala pa ring malinaw, sapat, at makatarungang tugon mula sa gobyerno.
Ipinahayag ng Bayan Muna at mga Makabayan candidates ang kanilang pakikiisa sa mga residente sa laban para sa katiyakan sa paninirahan at kabuhayan, at nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa!
Lumahok ang PLM Tatalon sa konsultasyon ng @BayanMuna kasama ang mga lider-organisasyon ng District 4, tampok ang Makabayan senatoriable na si Nanay @MimiDoringo , at si Lory Caalaman, tumatakbong konsehal ng distrito.
Bilang pakikiisa sa ‘World Homeless Day’, naglunsad ng selfie protest ang mga chapters ng Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan.
Mula Payatas hanggang Bagong Silangan, ang panawagan ng maralitang lungsod ay disente, abot-kaya at pang-masang pabahay!
IBASURA ANG CONFIDENTIAL FUNDS!
AYUDA SA MARALITA, HUWAG IPAGKAIT!
Para sa mga gustong magpaabot ng tulong:
GCash: 09366089417 (Angeline M.)
Para sa mga pagkain at iba pang donasyon, kontakin si Chloe 0947 882 6930.
Malaking insulto sa mga maralita na naging biktima ng kabi-kabilang sakuna nitong nakaraang buwan na tinitipid ang pondong kailangan nila sa pagbangon, gayong nakakapaglaan ang gobyerno ng milyong pondo para sa Office of the Vice President para lang ubusin sa loob ng 11 araw.
Bilang ahensiya ng gobyerno na dapat nagtitiyak ng serbisyong panlipunan, hindi makatarungan na pinagmamakaawa pa nila ang mga biktima ng sakuna para sa ayuda. Kaisa rin ang PLM sa panawagang tanggalin ang Confidential Funds!
Patuloy na ginigiit ng Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) na harapin kami ng DSWD at tugunan ang pangangailangan ng ayuda para sa mga nasasalanta ng matinding baha.
Ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente ng Payatas at iba pang lugar tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. Epekto ito ng El Niño, at pinalala ng mga Development Projects na hindi inisip ang magiging perwisyo nito sa mga nakapaligid na komunidad.
DSWD, HARAPIN ANG MARALITA!
AYUDA SA BIKTIMA NG SAKUNA, IBIGAY NA!
Abot bewang na ang baha sa mga kabahayan sa Payatas sa Quezon City nang bumuhos ang malakas na ulan gabi ng Setyembre 26, 2023.
Ayon sa mga residente, hanggang ngayon ay nananatiling mataas ang tubig sa nasabing komunidad at hindi sila makalabas ng bahay upang makabili ng pagkain.
Habang patuloy na inilalaban ng PLM ang karapatan natin sa emergency relief, patibayin natin ang ating pagkakaisa.
Makiisa sa Kusinang Bayan ng PLM!
Mag-donate sa GCash: 09366089417 (Angeline M.)
Para sa mga pagkain at iba pang donasyon, kontakin si Lujille (0991 493 5572).
SUPORTAHAN ANG KUSINANG BAYAN
para sa maralitang naapektuhan ng pagbaha!
Sa tulong ng ating pagkakaisa, mahigit 300 indibidwal mula sa Payatas at Bagong Silangan, QC ang napakain ng ating Kusinang Bayan. Ngunit marami pang pamilya ang nangangailangan.
Ang mga maralitang komunidad tulad namin ang tirahan ng mga manggagawang lumilikha ng yaman ng lungsod. Pero sa ganitong mga sakuna, lagi kaming etsapuwera.
Kaya ang panawagan namin: DSWD, magbigay ng kagyat na ayuda para sa mga biktima ng pagbaha!