TUMINDIG, MGA ISKOLAR NG BAYAN!
Hindi naiiba ang laban ng mga Iskolar ng Bayan sa laban ng buong bayan!
Sama-samang ipinananawagan ng mga Iskolar ng Bayan ang pagkansela sa mga klase at sa kahit anong aktibidad sa pamantasan upang makiisa sa pagwawaksi ng lumalapit na kadiliman
Bilang bahagi ng institusyong kumikilala sa kasaysayan ng mga kabataang estudyante sa bansa, PUP, SUSPEND CLASSES NOW! PUPian, WALK OUT!
Hindi na tayo muling babalik sa dilim. Hindi ngayon, hindi kailanman.
#NoToMarcosDuterte#ParaSaBayan#SuspendClassesNowPUP
EXTEND VOTING HOURS!
Sa kabila ng mga aberya ng Vote Counting Machines, kami ay nanawagan kasama ang malawak na hanay ng sektor kabataan na i-extend ang oras ng pagboto!
Walang boto ang dapat masayang, COMELEC kilos na!
#IpanaloMoBotoMo#KayaNa10To#ExtendVotingHoursNow!
Sa isang panayam ng CNN Philippines, ibinahagi ni Youth-Led Network For the Rights to Information (YNFORM) Project Head at PUP KASAMA Research and Education Head Nikki Estella na nakita natin kung paanong hinubog at naapektuhan ng disinformation ang maraming institusyon.
Binigyan diin din na isa sa pinakamalaking kalaban ng demokrasya ay ang paglaganap ng disinformation at ang pinakamabisang paraan upang labanan ito ay ang katotohanan.
Sa patuloy na paglaganap ng mga maling impormasyon mahalaga na magkaroon ng mga hakbang upang tuldukan ang mga ito. Sa isinagawang workshop ng MovePH, nagkaroon ng pagbabahagi ng mga tips ukol sa person-to-person approach sa fact-checking.
Naniniwala tayo na malaki ang ating gampanin upang ipaglaban ang katotohanan. Kasama tayo sa pagsulong ng mga inisyatibong babaklas sa mga maling impormasyong kumakalat sa iba’t ibang plataporma sa pamamagitan ng kolektibo at inidibidwal na inisyatibo.
#FactsFirstPH
Namigay rin ng “Free Hugs” ang ating kasama bilang simbolo ng pakikiisa at pagpawi ng pagod at pangamba ng mga dumalo.
Sa pagsulong ng gobyernong may tapat na serbisyo, may KASAMA ka!
#PUPKASAMA#AnakNgFuchsia#LeniKiko2022#R1saPa
Upang ipahatid ang ating pakikiisa so gobyernong tapat at healthy buhay at hanapbuhay, ay naglunsad ang ating mga kasama ng “Tatak ng Pakikiisa” para tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan, at Sen. Risa Hontiveros.
Nitong ika-01 ng Abril lamang nilagdaan ang Memorandum No. 5 s. 2022 na naglalayong amyendahan ang easing of academic requirements at grading system. Sa nakalipas na dalawang taon, sumailalim tayo sa FlexTel na walang malinaw na direksyon at implementasyon.
Nakiisa tayo sa manipesto laban sa “Hell Sem Policy” na ito. Ngayon, ang PUP KASAMA ay naghanda ng mga panawagan at rekomendasyon sa pagpapatupad ng memorandum order na ito.
Kasama ng mga estudyante, tayo ay patuloy na titindig laban sa mapanggipit na moda ng pagkatuto.