masakit man ang mga gunita sa aking isipan, kailangan ko itong tanggapin.
oo, mahirap man tanggapin pero alam kong balang araw may nakalaan din na para sa akin.
mula ngayo'y pipiliin muna ang sarili.
-
pagmaya't siphayo
#mgasulat#sarili#love#poetry
sa ating buhay, hindi lahat ng iyong makakahalubilo ay katulad mong tapat.
may mga taong patuloy na aabusuhin ang 'yong katapatan, mararamdaman mong tunay na napakadaya ng mundo.- (thread)
ngunit sa kabila noon, 'wag kang tumigil maging mabuting tao. darating din ang araw na may isang taong katulad mo,
taong sasamahan ka ng buo at tunay, taong ipapahiram ang balikat sa tuwing ikaw ay lumuluha, taong ipahihiram ang payong kapag dumilim ang kalangitan. (2)
hayaan mo ang mundo ang magsabi sa iyo.
ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting tao,
at tadhana na ang magiging daan,
daang magdadala sa tunay na hangarin ng iyong puso.
-
pagmaya't siphayo
Fb: Pagmaya't Siphayo
ig: coming soon
#sarili#mgatula#sulat#tula#tamangpanahon
hindi lahat,
hindi lahat ng tao ay kagigiliwan ka,
hindi sa lahat ng oras ay pipiliin ka.
hindi mo kailangan magbago para sa kanila, lahat tayo ay kakaiba.
hindi lahat ay magsisilbing tahanan sa iyong paglalakbay, ang iba'y itatatwa ka.
liham #1
-
para sa aking minamahal,
kumusta ka? nawa'y nasa mabuti kang kalagayan. unang una ay gusto kong humingi ng tawad sa aking mga nasabi at nagawang kasalanan sa iyo. marahil ay sa iyo ko naibuhos ang aking galit ngunit hindi ikaw ang dahilan ng aking pagkamuhi,
siguro nga'y hindi pa tamang oras para tayo'y magsama. ngunit mahal ko, laging mong tatandaan na nandito ako palagi sa tabi mo, patuloy na mangangarap para sa hinaharap at patuloy na mag-iintay sa iyong pagbabalik sa aking piling. mag-iingat ka palagi, mahal na mahal kita.
-
magandang gabi! nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan. ngayong gabi ay magpopost na ako ng panibagong bahagi ng page na ito na pinamagatang, "mga liham ng nagmamahal." ito'y isang akda na pumapatungkol sa mga liham ng isang nagmamahal na hindi masabi sa kanyang iniirog.
-
grim
the insufferable waiting
of the haven
we are longing,
the haven of tranquility.
waiting,
that is daunting
and illusive
-
pagamaya't siphayo
#poem#waiting#love
fb: Pagmaya't Siphayo
twitter: @PagmayaSiphayo
ig: coming soon
mga piyesa ni sir reyes na gusto kong ishare sainyo dahil malaman at makabuluhan ang nilalaman nito. hangga't hindi pa ko maayos ay ito muna ang pamalit sa aking mga tula para naman hindi patay ang account na ito. happy reading! 🤍
#PostScriptum#mgapiyesa#pagibig